Boy Abunda:  Mga kaibigan. Tayo po ay naririto sa panaginip ng ating bisita ngayon - ang isa sa mga pinakakontorbersyal na tao sa ating lipunan ng henerasyong ito - Mr. Pablo Sio!

< Palakpakan at sabugan ng confetti, tayuan ang mga tao sa stage >

Pablo: Magandang araw po sa inyong lahat! (Pa-cute)

BA: Magandang araw Pablo. Boy Abundat ng The Bee. Anong gusto mong itawag namin sa iyo?

Pablo:  P.S. na lang po.

BA: Postscript?

PS:  Pablo Sio po.

BA: Oh. Initials. Totoo ba na ang gamit mong ballpen tuwing nagsusulat ay nagtataeng ballpen?

PS: Hindi po. Hindi po ako makapagsusulat ng mabuti kung nagtataeng ballpen po ang gamit ko.

BA: Kung gayon, bakit mo ginamit ang katawagang "Nagtataeng Ballpen"? Saan ba ito nagmula?

PS:  Bukod po sa wala akong maisip na pangalan ng bagong tatag na blog, kakabasa ko lang po noon ng Stainless Longganisa ni sir Bob. Naisip kong catchy ang Nagtataeng Ballpen at maaaring gamitin bilang metapora. Marami  din po kasi akong mga karanasang gustong ibahagi sa pamamagitan ng blog na ito. 


At tulad po ng lagi kong  sinasabi, ayokong masayang ang tinta ng nagtatae kong ballpen. Gusto kong magsulat, hindi lang upang  makapanghawa ng sakit, kundi makapagbigay ng aral at inspirasyon gamit ang mga isinisigaw ng isip ko, para hindi naman masayang.

BA: Ah, ok. Kumusta si PS bilang isang ordinaryong tao?

PS:  Ayos lang po.      

BA: Kumusta ang lovelife mo?

PS:  *bitter* Nagpunta po ako rito para liwanagin ang mga katanungan ng readers, hindi po para usisain ang personal kong buhay.

BA: Oh I see. We respect your privacy. Marami ang nagtatanong, kung sino ka talaga. Pen name lang ba ang Pablo? Gusto ka naming makilala.

PS: 
*ngiti* Hehehe...hindi nyo lang po napapansin, matagal niyo na akong kilala. Pen name man po o hindi ang Pablo Sio,  kilala na po ako ng readers ko. Pumikit man po sila, kilala nila ang Pablo na nanghahawa ng epidemic virus -   mga malokong opinyon galing sa baliw na tao. Alam na halos nila ang mga kwento ko at buhay-buhay ko.
BA: Sige, ganito na lang. Si Pablo ba ay produkto lamang ng aming imahinasyon?

PS: Marami na po akong naisulat. Nagkaanak na po ng maraming komento. Lahat po ng sinusulat ko, salamin ng  isip ko. Repleksyon. Balikan niyo po ang entry kong Law Door. Iyon po talaga ang gagawin ko kung kasing-yaman o kung mas mayaman pa ako kay Bill Gates.  Pero ang tingin ng commentors at mga mambabasa, sinasapian lang po ako.

_________________________________________
Dahil  nasa tao po kung ang tingin nila sa isang bagay ay katotohanan o imahinasyon lamang bunga ng isang mahimbing  na pagkakatulog at bangungot.
______________________________________________________

BA: Paano ka napunta sa field ng pagsusulat? May kinalaman ba dito ang suicide attempt mo raw? Totoo ba?

PS: Hindi po totoo ang suicide attempt ko. Suicide attempts ko. Yes, I have three suicide attempts. Lahat po `yon dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay. Noon, proud pa akong isigaw na may balak akong mag-suicide. Noong marinig po ako ng teacher ko noong high school, sinaway po ako at sinabing hindi dapat magsalita ng ganoon. Makapangyarihan ang mga salita.

Salita. Agad ko pong naisip ang mga nagawa ko noong elementary. Nagsusulat ako. Iyon po ang totoong alamat ng NB. Hindi ko rin po akalang dahil sa sinabi ng teacher ko, magsisimula pa ang mas mahabang kalbaryo. Siguro, kung bakit ako nananatiling buhay ay may dahilan ang Diyos. Kung naiinis man ang readers, sabihin niyo po iyan sa teacher ko. Pero mas mabuti pong hindi na natin pag-usapan yun.

BA: Bakit ka nagsusulat? Mayroon ka bang balak na magpulitika pagdating ng araw?  

PS:  Gusto lang po ng ballpen ko na patayin ang lahat ng karakter at isulat ko ang kwento ng mga karakter na ito na siyang gumagambala sa mahimbing kong pagkakatulog. 

Politics? Ayoko pong tumulad sa mga may mukha sa bill boards na kung hindi oily ang mukha, eh, phinotoshop.  

BA: Para saan ang isinusulat mo?

PS:  Para sa sarili ko po.
Picture
BA: Sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

PS:  Si sir Bob po talaga ang  idolo ko. Sa halos lahat ng aspeto ay hinahangaan ko po siya. Sa kanyang istilo, sa kanyang kwento, kung paano niya dalhin ang mga salita, at ang kanyang mga paniniwala. Ginising niya po ako sa mahimbing na pagkakatulog na talagang may bulok sa ating mga Pilipino.

BA: Ano sa tingin mo ang nakikita mong mga bulok?

PS: Bulok na gulay sa palengke, bulok na ngipin at bulok na mansanas na nalaglag sa ulo ni Archimedes.  

BA: Ano ang nagtulak sa’yo para magsulat?

PS: Nang itulak po ako ng nanay ko.

BA: Ano ang dahilan mo kung kaya ka nagsusulat kahit walang sweldo?

PS: Masaya magsulat. Lalo na pag alam mo ng may bumabasa. Pampalipas-oras at paraan para makaiwas sa drugs.

BA: Ano sa tingin mo ang dahilan para basahin namin ang blog ng isang baguhang tulad mo?

PS: Well, hindi naman po ako namimilit na basahin nila. Pero kung mababasa po nila, I hope they can relate. May mga lihim po na mensahe ang bawat entries ko. Sa una sigurong basa, wala kang makikitang katuturan. Ayaw ko po kasing isipin ng readers na pari ako upang mangaral.  Pero tulad ng Da Vinci Code, meron itong natatagong lihim kahit papaano. Hindi ko po alam kung mismong staff ko ay alam ito. 

Pero siguro po, dahil nai-reveal ko na na meron talagang “hidden agenda,” mas magiging sensitive na ang readers sa mga nababasa nila sa blog na ito at hindi basta-basta magpapadala sa mga nakikita lang nila.

BA: Ano sa tingin mo ang biggest mistake mo bilang Pablo?

PS: You know what, sir? In my 22 years of existence, I can say there is nothing major, major, I mean, problem that I have done in my life. 

BA:  Hahaha! Palabiro ka pala talaga! Madalas kang maikumpara sa istilo ni Bob Ong. Ginagaya mo ba ang istilo niya?

PS: Isa po sa mga nakikita kong sakit ng mga kabataang manunulat ngayon ay sobrang paghanga nila sa mga nababasa nila na. Hindi ko po gustong gayahin si sir Bob. Wala naman pong writer na gusting magtago lang sa anino ng iba. Nagagaya lang po siguro ng hindi sinasadya. Kaya nga po ako nagtatangka na sumulat ng mga kwentong pag-ibig sa pagbabaka-sakaling mabago pa ang istilo na ginaya ko raw, at humusay sa pagsulat. 

BA: Kumusta na nga pala ang Love stories na  mo? I mean, iyong mga sinusulat mo?

PS: Okay naman po sila. Hindi naman humihingi ng pagkain. Wala pa pong ending. Hindi ko pa po kasi alam ang uunahin sa tatlong kwentong nasimulan.

BA: By the way, may gusto ka pa bang sabihin sa mga readers mo? Sa staff mo?

PS: Nasasabi ko po ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng blog ko. 
 
Ang sumusunod na entry ay FOR FUN ONLY.

Tama ang isip ko.

Bakit kailangang laging mga estudyante ang bida sa blog ko? Bakit hindi ang mga pangalawang magulang nila?

Bata, pagkakataon na natin upang makabawi!

Hindi naman paghihiganti, pagsasabi lang ng totoo. Dahil kung sa pang-apat na entry ay naging paksa ko ang mga karakter ng mga estudyante tuwing freetime, ngayon naman, mga teachers nating nasa classroom.

At para mas masaya, ang pagpapakilala natin sa kanila at pagpapakita ng prons at cons, hahatiin natin sa mga magnitude. At ang gamit natin, Richter Magnitude Scale. 

Magnitude 1:   The Endangered Species

Sobrang bait. Wala ng maipipintas. Sa atin, sila ang mga banal. Palaging may konsiderasyon. Tatanggapin pa rin maski late ang project mo. Medyo masaya naman sila magturo. Hindi ganoon kadalas magalit liban na lamang kung talagang mga walang-hiya kayo.  Mga tipong madali mong makakasundo at pagkatiwalaan dahil nga sa likas na kabaitan. Mataas magbigay ng grade. Totoong concern sa ng mga estudyante at hindi pakitang tao. Madalas maging favorite teacher at makatanggap ng letters tuwing Pasko, Valentines Day, Teacher’s day, at pagtatapos ng klase. Kung bakit endangered specie, kakaunti na lang ang bilang nila.

Sa kasamaang palad, sila rin ang mga tipong madalas maabuso. Madalas mabastos. Kasi nga, mas madali silang maka-close at paminsan-minsan ay nakakalimutan nating may malaking dingding na nakapagitan sa atin. (Ayyy Sorry! Sila nga pala yung bida at hindi tayo!)

Magnitude 2:   Mga anghel naman kahit papaano

Mabait pa rin. Halos kaparehong-kapareho ng endangered, ang pinagkaiba lang, hindi kataasan magbigay ng grades. Madalas din tayong maantok sa klase nila.

Magnitude 3:   Born: Maisan

Pinipilit nila na maging kwela at masaya ang klase nila. Pero kahit anong pilit nila, wala pa rin eh. Tipong kailangan mong makipag-plastikan na tumawa sa jokes nila kung ayaw mong mapag-initan. 

Pero kahit corny sila minsan, na-aapreciate ko naman yung effort nilang magpatawa.

Magnitude 4:  Unan na lang ang kulang

Walang kabuhay-buhay. Naghihilik na ang katabi mo. Uso at lantaran ang paghihikab dito. Sayang ang lesson, nakakaantok lang talaga. Minsan, masasabi mo na lang, anong nangyari?

Magnitude 5:   The Kidney "care"

Wala ng paliguy-ligoy pa. Mga tipong hindi ganoon ka-concern sa mga estudyante. Madalas ipaubaya sa atin ang buhay natin sa future. Bagamat nakikita ko naman na ang gusto nila ay matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at matulungan ang sarili ng hindi umaasa sa tulong ng iba, mahirap maiwasang hindi kwestyunin kung sulit ba ang pasweldo sa kanila ng gobyerno.

Magnitude 6:   The Ilocanos

Saang pag-uugali ba kilala ang mga Ilokano? Tama ang tumatakbo sa isip mo. There’s mutual understanding between us. Alam mo na ang ibig kong sabihin.

Magnitude 7:   Quizmakers

Antok ka sa lesson. Wala kang naintindihan. Ipanalangin mo na lang na sa card giving ay wala kang line of 7. 

Sa kanila, hindi pwedeng matapos ang araw na walang quiz. Naintindihan mo man o hindi, bahala ka sa buhay mo. Recorded yan.

Magnitude 8:   Mga taga-ibang planeta

Nagtapos sila sa magagandang unibersidad. Hanep ang mga school na pinanggalingan nila. Ang problema, tuwing nagtuturo sila, wala kang maintindihan. Medyo may edad na ang mga kasapi sa grupo nila. 

Parang magic, magagaling naman sila at matagal na sa propesyon, pero mahirap sumabay sa kanila. Mahirap sabihin kung sila ang weird o yung itinuturo nila. Kahit anong focus mo, mahirap makisabay. Mahirap na nga yung lesson, parang nagpa-practice pa sila dahil board lang yata yung kausap. Di bale na, pagdating ng test, umasa ka na lang sa yes or no at talino ng katabi mo.  

Magnitude 9:   Di-mabuting ehemplo

May screening ba talaga bago maging teacher? Sa halos lahat ng paragraph na sasabihin nila, may bad words.

Magnitude 10: Mga Pinakanakakayanig

Tulad ng mga lindol, sila rin ang  pinakakinatatakutan. 

Sa buong buhay bilang mag-aaral, hindi pwedeng wala kang teacher na ganito. 

Descriptions? K fine.

Nagigitla ang lahat kapag napapadaan sila. Tumitigil ang ikot ng mundo kapag discussion nila. Nababagsakan ka ng mga atomic bomb tuwing recitation. Magsisialisan ng kusa ang mga kuto at tigyawat. Nagkakalat ang mga patay na katawan. Maliligo ka sa sarili mong dugo. Gigisahin ka sa sarili mong mantika.

Dahil sa kanila, naniniwala akong meron pa rin talagang himala. Nagiging magalang kasi ang mga bastos. Animo’y istatwa ang mga may ADHD. Natututong magpakumababa ang mga mayayabang. Napapalambot ang bakal na puso ng mga kaklase mo. Maiiyak ka rin kung napapahiya ang kaaway mo. Parang “bobo” kung ituring ang ilang mga achievers. Ganyan sila kaastig. 

Mga madalas mamahiya at magalit. Mga perfectionist. Matataray. Mga gurong babalasa sa iyong kapalaran.

Sa oras na hindi nila magustuhan ang sagot mo, gugustuhin mo na lang uminom ng acetone.

But wait. There’s more! 

Mapanghiwa ang mga tingin. *credits sa isang dating kaklase* Nakatutunaw ang mga titig. Nakakaipit ang mga nagsasalubong na kilay. Parang kutsilyong isinasaksak ang bawat salitang bibitiwan nila. Nag-eecho ang mga pangaral at panlalait nila sa isang room kung saan nakakabingi ang katahimikan. Lalamunin ka ng pagkalakas-lakas na tsunami kapag hindi ka matino. Bibitinin ka patiwarik at ipapalapa sa mabangis na leon. Nabubuo ang sariling halimaw sa isip mo.

Nagiging payapa ang mundo. Tumatayo ng derecho ang  Leaning Tower of Pisa. Nag-aatanda ng krus ang mga kampon ni Satanas. Bumabangon ang mga patay. Nagiging disyerto ang Atlantic Ocean. Nag-iisnow sa Sahara Desert. Nagiging possible ang mga imposible. Oo, nagkakabuhok si Noynoy.

Kamag-anak ba sila ni Marcos? Mga teacher na hindi mo trip debatihin kung ayaw mong makalaban ni Santiago ng live. Buhay mo ang nakataya sa bawat maling sagot. Alam na alam nila kung nag-iimbento ka ng sasabihin o kaya’y nanghuhula ka. Kapag natyambahan ka pa sa tanong na hindi mo alam, congrats! Jumackpot ka!

Laging rated SPG ang mga eksena sa klase nila.
 
Wow!

Nakakatuwa malamang may mga requests na rin tayo mula sa aking email na siyang dahilan ng pagsulat kong muli nito. Ito ay hiling ni lucashikari ng yahoo.com. Nais niya ang isang entry na magpapakita daw ng mga pag-uugali ng kabataan sa henerasyong ito.

Dahil sa kahilingan ito ng isa nating mambabasa, agad ko itong tinugunan kasama ng nagtatae kong ballpen.
(Para nga pala sa mga requests, kritisismo, at mga bayolente pang reaksyon, i-email lamang po ito sa [email protected] o i-message na lamang po sa aking opisyal na account sa facebook.)
 
Ang mga nakaBOLD ay huwag na pong pansinin. Bias lamang ng may-akda.

Mga palatandaan na batang Pilipino ka:

1. Meron kang facebook account.
2. Nagshe-share ng mga larawan mula sa 9gag at iba pang facebook pages.
3. Nagla-like ng mga status update kapag nakakarelate.
4. Nakapaglaro na ng Tetris.
5. Nayayamot sa mga kanta ni Justin Bieber.
6. Madalas asarin ang mga humahanga kay Justin Bieber.
7. Pamilyar sa Angry Birds pero hindi pa naman nalalaro.
8. Inaantok sa mga subjects na hindi ka interesado. (Ex. History, Math, etc.)
9. Galit ka kay Noynoy.
10. Ang mga nakikita mong larawan ni Dr. Jose Rizal ay may kasamang itim na balahibo ng manok.
11. Gusto mong mangibang-bansa paglaki.
12. Nagbabasa ka ng libro ni Bob Ong.
13. Minsan ng pinapak ang Milo.
14. Nilalagyan ng meaning ang mga bagay na may kinalaman sa iyo. (Hal. May kahulugan ang numerong 13 dahil sa paborito mo si Taylor Swift.)
15. Naging theme song na ang Someone Like You ni Adele.
16. Masaya kapag suspended ang klase at tuwing weekends pero nagrereklamo namang bored tuwing bakasyon.
17. Trip kumain ng Chuppa Chups.
18. Minsan ng nagaya ang "I am sorry" ni Gloria kasama pati boses at paglalagay ng daliri sa tabi ng ilong na parang nunal.
19. Madalas mawalan ng ballpen.
20. Binibigyang codename ang sinumang madalas nakaback-pack na may maikling buhok na nakalugay ng "Dora".
21. Maraming alam na pick-up lines.
22. Takot mag-butt spell.
23. Mabait sa bahay, walang hiya sa school.
24. Laging nanghihingi ng papel.
25. May hinahangaang author, singer, artista, bayani, basketball player, at mga kung sino-sino pa dyan sa tabi.
26. Memorize ang cellphone number ng crush.
27. Natapos na ang Plants vs. Zombies.
28. Nakalaro na ng Tekken at napamura.
29. Minsan lang kumain ng gulay.
30. Nakikiuso.
31. May mga sulat at drowing ang mga likod na pahina ng notebook.
32. Hirap sa pagsaulo ng dates sa History class (lalo na sa panahon ng mga Hapon), pero memorize ang birthday ng crush.
33. Ifene-flames ang pangalan mo at crush mo. Kapag lumabas ang enemies o angry, pupunitin. Pero kapag sweetheart, itatago sa locker.
34. Nakachat na si Simsimi.
35. Nadapa ka na tapos nasugatan yung tuhod mo.
36. Pinaglaruan mo yung tubig habang naliligo.
36. Nagrereklamong walang kwenta ang mga opisyal ng gobyerno kapag nakikitang walang ginagawa, pero sinasabi namang O.A. kapag may ginagawa.
37. Mahilig mag-sound trip.
38. Matalinong tamad.
39. Naranasan ng makikopya at gumawa ng homework sa school.
40. May favorite at hate na teacher.
41. Tirador ng mga pakalat-kalat na walang pangalang ballpen. Finders keepers, di ba?
42.Naranasan nang mag-test na walang review.
43. May mga mannerisms.
44. Sa mga isyung pambansa, openminded. Sa mga kwentuhan sa school, greenminded.
45. Kapag may nagtanong ng paborito mong subject, pabiro mong sasabihin ang mga sumusunod.
* Recess 

* Break
* Lunch
* Uwian
* Meeting ng mga teachers
* Freetime
46. Naniniwala sa mga chain messages kapag unli, pero sasabihing hindi totoo kapag napasahan ka ng walang load.
47. Nakatanggap na ng text na nanalo daw siya ng isang milyon sa *_________* Foundation. Syempre, hindi ka maniniwala pero ipinakita mo ito sa magulang at mga kaibigan.
48. May codename ang crush.
49. Mapagmahal sa kalayaan. Ayaw sa mga pakialamero/pakialamera.
50. Nakatanggap ng kalendaryong may mukha ng pulitiko.
51. May mga teacher kang nagpapabalot ng notebook sa art paper with matching color coding. At naiinis ka dahil pinipili mo yung design ng notebook mo, tapos papabalutan lang.
52. Napapa-"YES!" kapag may bonus sa exam.
53. Kapag biglaan ang tanong kung ano ang pambansang awit, ang sinasabi mo ay "Bayang Magiliw".
54. Xerox ang tawag sa photocopy.
55. May mga nasasayang na puntos tuwing exam dahil sa hindi pagsunod sa instructions.
56. Hindi mo alam kung anong meron sa fourth Sunday ng August, pero alam mo kung anong meron sa February 14.
57. Bitter ka pagdating sa love.
58. Kapag tinatanong ang klase niyo, kung anong pangarap niyo paglaki, halos sasabihin niyo ang lahat ng propesyon, maliban sa "magsasaka".
59. Ipinapakita lang sa magulang ang test na may matataas na score, pero itatago at sasabihing hindi pa nache-check-an ang test na mababa. Ang test paper? Itatago sa bag o locker hanggang nakalimutan na ng magulang!
60. Gumagamit ng New Tab. Google sa kabila. Facebook, Twitter, Tumblr at YouTube naman sa kabila.
61. Ika-copy-paste ito at ipopost sa Facebook! (Go lang!) Wag mo lang sanang makakalimutan ang pag-link sa blog ko at pagbabahagi sa mga kaibigan!

Salamat! XD
 
Picture
Dahil nga sa Holy Week (at nagnilay-nilay din naman ako kahit papaano), ay pansamantala ko munang hindi nahawakan ang nagtatae kong ballpen para sumulat. Batid kong hinahanap ko pa ang dahilan kung bakit nagagawa o ginagawa ko ang mga ganitong bagay.

Binalikan ko ang mga pangyayaring di-malilimutan noong nag-aaral pa ako. Tiniyak ko ang mababalikan ko muna ang mga ala-ala, upang masagot din ang mga katanungan ko sa aking sarili, at mawala na ang mga pag-aalinlangan.


Pansamantalang hindi ko muna hinawakan ang ballpen. Napansin niyo naman siguro ang pananahimik sandali ng blog. Pinagpahinga ko muna ang sarili sa pagsusulat ng mga walang katuturang bagay dahil sa positibo ang hatid ng kwaresma.

Napagdiskitahan ko ang mga notebook ko. Wala lang. Binuklat lang. As usual, di ko naman binasa. Pero muli ko na namang nagunita ang isang papel na nakaipit sa history notebook ko na sulat-kamay pa. Nakita daw ito ng pinsan ko sa isang libro. Pero dahil sa hindi siya interesadong basahin, hiningi ko na lang ang kopya ng pinag-aksayahan niya ng tinta.

Mga "ebidensya" (o dahilan lang ng mga walang magawa sa buhay) na nagpapatunay raw na anak ng ating pambansang bayani si Dr. Jose Rizal si Adolf Hitler.


Malamang sa malamang, kilala mo na si Pepe, pero hindi nga lang ako sigurado kung pamilyar ka kay Adolfo. Alam mo man o hindi, hayaan mo sanang bigyan kita ng kaunting background.

Sabi ng terror AP teacher ko noong high school, isang malupit na pinuno daw itong si Hitler. Ipinapapatay raw niya ang lahat ng lasenggero at may bisyo sa Germany ng siya ang maging chancellor (sa atin, pangulo) noong 1933.

Siya rin ang chancellor ng Alemanya ng salakayin nito ang Poland na hindi ko alam kung saan.

Dahil sa curiosity dala ng "mahiwagang papel" at pagiging "high" ko sa mga lessons ng terror teacher ko, naghanap pa ako ng resources upang patotohanan ang mga sinasabing ebidensya, at nang sa gayon, hindi naman magmukhang ewan kapag nagdi-discuss ang teacher ko (Sa tanang buhay ko, hindi naman talaga ako naging ganoon, dahil unang-una wala naman akong sipag pagdating sa pag-aaral).

Ito ang mga chuvanes ecklabu ng mga walang magawa sa mga chennilyn nila:
  

DISCLAIMER: Huwag mo akong sisihin kung mahihilo ka!

> Ipinanganak si Hitler noong April 20, 1889 (nangangahulugang maaring nabuo siya noong 1888) sa maliit na bayan sa Branau, German-Austrian border (German Empire kung tawagin ngayon).  Noong unang araw ng Pebrero 1886, umalis si Rizal ng Paris papuntang Germany. Nakarating siya sa Heidelburg, Wilhmsfeld, Munich (hindi ko alam kung tama ang spelling ko at kung saan ang mga ito, pero sabi naman ng research ko, medyo malapit daw sa German-Austrian border). Noong August 9, 1886 naman, nagtungo siya sa Leipzig (patunay na gala talaga si Rizal). At noong Oktubre narating niya naman ang Dresden at Berlin. 1887 muli siyang lumipad sa Switzerland. Nasa Europa ulit siya mula May 24, 1888 hanggang October 18, 1891. Nasa London, Paris, Brussels, Madrid, Biarritz, Ghen. To make it short, nasa Europa siya noong "mabuo" at ipanganak si Hitler.
Picture
> Ang pangalan ni Mama Hitler ay Klara Polzl. Sa Berlin natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere, na ang pangalan ng isa sa mga tauhan ay Maria Clara.

> Si Polzl ay dating maid sa Vienna (kapital ng Austria). Noong ika-11 ng Mayo 1887, sinimulan ni Rizal ang kanyang  Grand Tour sa Europe (samantalang hikahos noon ang kanyang mga kababayan). Nagtungo siya sa Dresden, Teschen, (ngayo'y Decin sa Czeckoslovakia -nakakadugo pala ang spelling!), Prague, at  sumunod sa Brunn (kung saan niya nawala ang kanyang diamond stickpin). Nagtungo siyang muli sa Vienna (dito sinasabing natangpuan niyaa ng diamond stickpin na nakita ng isang maid sa isang hotel sa Brunn, Austria). Si Hitler ay nanatiling Austrian pagkapanganak hanggang 1930.

> Noong May 24, 1867, umalis si Rizal sa Vienna upang maglakwatsa, este maglibot sa Danube River. (Sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita rito si Rizal ng paper napkins. Walang halong biro!) Ang kanyang pagsaside-seeing ay nagtapos sa Linz. Si hitler ay palaging tinutukoy ang Linz bilang kanyang lupang silangan. Ayon pa sa kanyang Political Testament, "my hometown of Linz on the Danube."

> Si Rizal ay nakaroon ng affair sa isang Japanese woman noong 1888, sa katauhan ni Seiko Usui. Mayroon itong kaisa-isang anak, si Yuriko, sa  isang foriegner, maraming taon bago niya makilala si Rizal. Nagpakasal si Yuriko sa isang Japanese politician. At ayon pa sa makapanindig-balahibong teacher ko noon, naging kakampi ng Germany ang Japan laban sa Britanya at US.   

Maraming mga katanungan ang maaring mabuo. Sa kasamaang palad, tianatamad talaga akong mag-type. Ikaw na lang ang bahalang mag-analisa.

Pero ang akin lang, ilang bansa na ba ang napuntahan ni Rizal habang nagbabayad-dugo ang kanyang mga kababayan? Eroplano na ba ang sinasakyan niya? Anong airline? Ilang babae ang nakilala niya? Ilan pa ang aakusahang anak niya? Si Hitler ba talaga ay anak niya? Nagmana ba ito sa pagiging lapitin sa "chicks" ng ating pambansang bayani? Ito ba ay gawa-gawa ng mga authors ng libro? Pinagti-tripan lang kaya ako ng pinsan ko? Ano ang hitsura ng paper napkin? Totoo ba ang mga datos na naibahagi ko sa inyo?

Wala lang. Opinyon ko lang naman kay Rizal. Kung gusto mong makarinig ng punchline tungkol sa usapin kung sino ang dapat na maging pambansang bayani, Rizal o Boni, mananahimik na lang ako. May hatid din kasing bangungot si Ka Andres sa nakakatakot pero pinakapaborito kung teacher noong high school. 


 
Mga tinig na tila may hinanakit ang gumising sa akin isang umaga. Mga tinig na mula sa mga taong pinakamalalapit sa aking puso - sina ama't ina.

Sa maikling sandali pa lang ng aking narinig, nalaman ko ang paksa ng kanilang diskusyon, ang K+12.

Bilang isang mag-aaral, ay batid ko na ang tungkol dito. Ang K+12 ay isinulong ng Kagawaran ng Edukasyon na umoobliga sa mga magulang ng na pag-aralin sa Kindergarten ang kanilang mga anak at ang pagdaragdag ng dalawa pang taon sa mataas na paaralan.

Nababatid ko ang magandang hangarin ng kagawaran para sa pagbabago ng sistema ng edukasyon sa bansa, at para sa lubos na pakatuto ng mga bata. Tayo na lang din kasi sa Pilipinas ang apat na taon pa rin ang high school. Malinaw sa aking isipan ang layuning isinusulong ng DepEd sa kalidad ng edukasyong nais nitong makamit.

Ngunit nababatid ko rin ang ugat ng hinanakit sa tinig ng aking mga magulang. Walang pasubaling may pagtutol sa kanilang mga isipan.

Nabuo na ang kanilang mga pangarap at plano sa pagtatapos ko ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa sekundarya at lima o apat na taong igagapang nila sa kursong aking mapipili sa kolehiyo. Unti-unting gumuguho iyon sa kanilang mga isipan.

Nakaramdam ako ng panghihina ng magunita ko ang kasalukuyang kagalayan ng aming paaralan. Marumi ang mga palikuran, at mahirap na ring pagkatiwalaan ang mga pasilidad. Hindi ko mawari kung makakaya pa bang iraos ang dagdag na mga taon at mag-aaral.

Para sa aking mga magulang, hindi K+12 ang solusyon ngayon. Ito'y dagdag lamang sa mga gastusin at bayarin.

K+12. Kakayanin ng aking isipan at kakayahan ang mga dagdag na taon. Ang hindi ko lang alam, ay kung makakaya pa ba akong pag-aralin ng pamamasada sa tricycle ni papa at paglalaba ni nanay.

Maswerte talaga ang mga maykaya sa panahon natin ngayon.

Sana, kung panaginip lang ang lahat ng ito, ay hindi na muna ako nagising.
 
“A good teacher has been defined as an individual who can understand those who are not very good at explaining, and explain to those who are not very good in understanding.”

-Dwight D. Eisenhower, 34th President of United States


Makulay ang buhay estudyante, SPECIAL. Salamat sa mga taong pinaka-nagbigay kulay sa mga sandaling iyon - ang aking mga teachers.

Likas na pagiging “torpe” sa akin. Bilang patotoo, marami akong naipong mga “Thank You Cards” sa bag ko. Plano ko sanang ibigay yun sa mga espesyal na araw, tulad ng Teacher’s day, Pasko, Bagong Taon, Valentines Day at hanggang sa kadulu-duluhan, sa pagtatapos ng school year. Pero lahat, walang chance. Walang lakas ng loob para ibigay ang mga dapat ibigay. Kaya ngayon, kahit bakasyon at holy week ay pinilit kong ihabol, idadaan ko ang pasasalamat ko sa entry na ito.

Pero dahil sa lahat, nobela, mga hindi na lang masyadong confidential na part ang ilalagay ko.


Dahil bukod sa mga kaklase ko, sila rin ang naging insprasyon ko para sa pagtatatag ng N.B. o mas kilala mo ngayon sa tawag na "Ang Nagtataeng Ballpen." <Ihahagis na ang confetti> Kilala mo na ang mga sisisihin. 

Uunahin ko ng pasalamatan ang mga naging adviser ko.
First day. Tahimik. Lahat behave. Liban sa iilang unti-unting gumagawa ng ingay. Syempre nakikiuso, tahimik din ako. Masipag at supportive ang mga advisers ko. Hindi ko rin po sila masisisi kung minsan eh, mainit ang ulo sa amin. Mga likas na makukulit  at pasaway kasi kami.
Message: Salamat po sa pagtitiyaga. Sa paulit-ulit pong pagpapaalala sa akin na mag-aral pang mabuti. 
Sa mga homeroom advisers na lagi akong pinagwawalis, salamat po.


Pangalawa, sa mga Math teachers ko. Naks! Malapit sa puso ko ang math eh.
NB: Talaga lang ha...
Pablo: Shut up!

Sa mga Math teachers ko na patuloy ang pakikibaka para ma-solve ang "X" at "Y", maraming-maraming salamat. Masasabi ko pong kayo ang mga tunay kong bayani. Salamat po sa pagpasensya sa akin at hindi naman po ako nabigyan ng palakol sa card kahit mababakas po sa mukha ko ang pagdidiliryo tuwing nagdi-discuss po kayo. Ang pagpilit niyo po sa aming makinig kahit humihikab ang patuloy pong nagpapahanga sa akin. 

Filipino teachers. Favorite subject. Ito lang kadalasan ang pampahila pataas ng grades ko. Marami po akong natutunan sa gramatika at kaalamang pangwika. Kaso hindi ko po masyadong nagagamit. Salamat po.

Computer Education teachers. Pinball. Never forget. Lagi akong na-attempt na laruin yan. BTW, natutunan ko sa kanila ang paggamit ng bullet sa MS Word, animation sa powerpoint, themes ng movie maker, at ang hit, Adobo Putoshop! Para lang po sa kaalaman ng lahat, CS4 po ang gamit namin. Salamat po! 

English teachers. Kahit english carabao at Pacman ako minsan, nagagawa pa rin nilang sakyan ako at tulungan para mairaos ang nose-bleeding explanation. I am grateful to have those teachers. Am I correct?

Salamat din sa mga naging MAPEH teachers ko. Kahit paminsan-minsan, wala sila, okay pa rin. Dami kang matututunan. Kahit noong elementary ako, pagdo-drowing lang ng G-Clef  ang natutunan ko sa Music teacher ko, pero nabawi naman nung high school dahil sa performances. Speaking of performances, natuklasan namin dito ang mga natatago naming talento na napagdesisyunan na lang naming itago.

Science teachers. Dahil sa kanila, nakilala ko si Galileo at Neil Armstrong. Salamat po sa pagpapaalam na ang  telescope pala ay may dalawang uri - reflecting at refraction.

Values Education teachers, <hikab>, salamat po <hikab> sa pagtuturo ng magagandang asal. Kahit na madalas po kayong kaasaran <hikab>, kita ko po ang importansya niyo. Nakokonsenya pa rin po ako sa tuwing nangangral po kayo. <Hikab> Salamat po sa walang sawang pagtuturo kahit sa tingin ng iba at hindi na dapat pag-aralan ang asignaturang ito.

History teachers. Paiikliin ko na lang. [Sa totoo lang, halos dito naipon ang 50% ng mga sulat dahil sa nerbyos kong iabot sa kanila]. To be honest, interesado ako sa subject na ito, pero dahil nga sa ....... nagsama-sama ata talaga dito ang mga dapat katakutan, mas pumapaibabaw ang nerbyos kaysa sa excitement ko tuwing pumapasok ang mga gurong ito.

Maraming unforgettable moments sa history class, pero lahat yon nakalimutan ko na. Ayoko ng maalala lahat ng ................................. sinapit ko. Napahiya sa ilang reporting, nabara sa recitation, bumgsak sa tests, muntik umiyak sa pakikipagdebate, nagba-blush (daw) tuwing kinakantyawan at inuutusan.
Salamat na lang po sa pagtuturo sa aming maging kasing tapang sina Rizal at Bonifacio sa pagharap sa mga tao at suliranin sa buhay.
Bitter gourd na kung bitter gourd, pero hindi po exaggerated ang pinagsasabi ko. Hango po ito sa tunay na buhay. 

Yan ang teachers. Ang mga tunay na superheores. Kasama ang kanilang mga armas na reciation cards, class record, calculator, pati na ang eraser na pambato. Sabi nga, they can affect eternity. No one can tell where his/her influence stops. Si Rizal,  may naging paboritong guro din - si Padre Sanchez. Kita mo na? Hindi maiiwasang tulad niya, ay magkaroon din tayo ng paborito at pinakapaborito. Mahirap iwasang humanga lalo na't nakikita natin ang mga sakripisyo nila alang-alang sa tungkulin at obligasyon sa bayan. 

Hindi rin ganoon ang suportang naibibigay sa kanila ng gobyerno, kaya po pakatatandaan lang po natin ang pangalang Pablo Sio para sa 2016 election! Na ipaglalaban po ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino at itaas ang pasahod!