Magkahalong emosyon ang sumasaakin sa tuwing napapatingin ako sa kalendaryo. Palibhasa, ugali ni mama na maglagay ng kalendaryo sa  bawat sulok ng aming bahay at sa bawat likod ng pintuan.  

Sa tuwing mapapatingin ako sa buwan ng Hunyo, iba ang feeling. Parang may kakaibang ambiance dito. Oo nga pala! Ito ang buwan ng panibagong penitensya at pasko ng kabataang populasyon  - pasukan!  

Panibagong taon. Panibagong gastusan. Panibagong cheatmate at teachers. Panibagong curriculum. Tiyak na kaliwa't kanan ang expectation sa atin ng ating mga magulang at ang gayundin naman ng mga "sana" nating mga mag-aaral. 

Gumawa ako ng isang maikling listahan ng mga gusto ko sanang hilingin kay Secretary of Education Armin Luistro:
  • Take Home Periodical Exams 
  • WiFi
  • 1 hour na break
  • Quiz na open notes
  • Double period na P.E. classes
  • Electric fan with refrigerator (sa Hanabishi yata nakakabili)
  • Long tests na by group
  • Walang implementation ng K + 12
  • Mas malilinis na CR
  • Teachers with smiley at matataas magbigay ng grades
  • 3 times a week  lang na Math
  • Water dispenser with free chocolate
  • More online tests para payagan ako ng nanay ko na magbukas ng computer during school days
  •  Payagang mag-bubble gum during break
  • Graphing notebook with kodigo
  • 2 weeks na semestral break
  • 200 days lang na school days
  • air conditioned classrooms
  • Mas marami pang panukala para mas madalas ang meeting ng mga teachers
  • 1 week na intramurals
  • May mga pinamimigay na libreng baon sa labas ng bawat room
  • Payagang manood ng cartoons ang mga bata kapag absent ang teacher

Sige hanggang dyan na lang at ko-corny pa 'yan kapag pinilit pahabain.

Hanggang sa muli!  
 
 
Mula sa papansin.com