Sila ang aking tanging kayamanan
Ako ang kumalinga noong sila'y bata pa lamang
Dugo ng aking dugo, laman ng aking laman
Sila ang nagtatakda ng aking kapalaran
Bulag, Bingi, Pipi, aking mga anak
Nanlumo ako ng ang panganay ko ay nabulag
Tenga ng aking pangalawa'y 'di na nakarinig
Bibig ni bunso'y tikom at napinid
Kapansanan ng aking mga anak, siyang nagpapilay
Sa aking paa, sakit na nagpapaaray
Hindi ko mapupunan ang ganitong pagkukulang
Sila ang kikilos sa kanilang ginagalawan
Mahirap na hindi makakita ang aking anak
HIndi niya mapansin ang mga irregularidad
Si Corona lang ang napagdiskitahan
Bulag sa iba pang mga sikmurang halang
(Isang halimbawa ang http://www.acquitcj.com/)
Bakit si PNoy, si Gloria lang ang nakikita?
Sa pagkakaalam ko, marumi naman talaga ang pulitika
Naninibago ka pa ba?
Tila yata sa tuwid na landas ay naliligaw ka
Bulag, low vision man o bulag-bulagan
Lahat sila naghahanapan
Nang mga kakulangan at kapintasan
Sa kapwa nilang 'di makitaan ng kagandahan
Sa kanilang mga pinuno, naririnig niyo ba?
Daing ng mga anak ko, naghihirap sila
'Di ba pwedeng unahin kapakanan nila?
Iyak at palahaw, marinig niyo sana
DFA, nakapaglinis na ba ng tenga?
Bingi rin sa sigaw ng isang Pilipina
Ligtas sa batas, diplomat ng Panama
Sa wakas! Senado'y nagising at nag-iimbestiga!
Guards ng NAIA, napipi ba?
Imposible namang eskandalo'y 'di nakita
Bakit 'di subukang lumantad at magsalita?
Mahirap kasing CCTV ang sira!

(Kuha mula sa http://papansin.com/)
Aking mga anak! O aking mga anak!
Kalinga ko ba'y inyong hinahanap?
Ako sana'y huwag limutin at tandaan
Mga anak, ako ang Inang Bayan!
Aking mga anak! O aking mga anak!
Kalinga ko ba'y inyong hinahanap?
Ako sana'y huwag limutin at tandaan
Mga anak, ako ang Inang Bayan!