Ang Tinta ng Nagtataeng Ballpen
March. 19. 2012.
Kasama ang mga sira-ulo kong kaibigan noon, inisip namin kung paano mabibigyan ng "tribute" amg mga kaeskwela at mga guro namin dahil nga sa matatapos na ang taon. Hindi kasi natin alam kung kailan tayo kukunin.
Dahil sa bihasa naman sa computer ang administrator namin, naisip ni Mang Cmon na subukang gumawa ng isang blog na magiging paksa ang buhay namin sa loob ng sampung buwan. Napag-usapan din namin kung paano mauuto ang mga mambabasa.
Nag-isip. Nag-imagine. Nag-brainstorm. Nag-umpog kami ng ulo sa pader. Uminom ng muriatic acid at kumain ng lason ng daga. Hindi! Imagination ko lang yun.
Importanteng alam namin kung ano ang handwriting ng blog, ano ang steps ng paghawak ng ballpen at paano ito magagamit bilang pamunas ng nagtataeng tinta.
Dahil sa gahol na sa oras (gusto naming makilala niyo na ang NB bago ang bakasyon), wala na talagang magagawa kundi pag-isipan ang pangalan ng blog na sisira sa buhay ng kabataan.
Galing sa Stainless Longganisa ni Bob Ong ang nagtataeng ballpen. Naging bukambibig ko iyon kasama pa ang digestive system ng manananggal.
Pagbilang ng ........
1
2
Three!!!!
Eureka! Gawa na ang isang dumpsite! Ay este blog pala!
Since wala naman daw "matinong" magagawa ngayong bakasyon (tulad ng mga pulitikong wala naman talagang ginagawa), tuloy kami sa "matinong trip" na ito.
Masasabi ngang "matinong hobby" dahil para itong tissue paper na nagpupunas ng pwet at nagtataeng tinta ng ballpeng pinanghihinayangang masayang.
Pero kahit halungkatin mo ang previous entries nito, hindi mababakas ang katinuan.
Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng pulisya kung matino pa ba ang mga tumatangkilik sa NB.