Boy Abunda:  Mga kaibigan. Tayo po ay naririto sa panaginip ng ating bisita ngayon - ang isa sa mga pinakakontorbersyal na tao sa ating lipunan ng henerasyong ito - Mr. Pablo Sio!

< Palakpakan at sabugan ng confetti, tayuan ang mga tao sa stage >

Pablo: Magandang araw po sa inyong lahat! (Pa-cute)

BA: Magandang araw Pablo. Boy Abundat ng The Bee. Anong gusto mong itawag namin sa iyo?

Pablo:  P.S. na lang po.

BA: Postscript?

PS:  Pablo Sio po.

BA: Oh. Initials. Totoo ba na ang gamit mong ballpen tuwing nagsusulat ay nagtataeng ballpen?

PS: Hindi po. Hindi po ako makapagsusulat ng mabuti kung nagtataeng ballpen po ang gamit ko.

BA: Kung gayon, bakit mo ginamit ang katawagang "Nagtataeng Ballpen"? Saan ba ito nagmula?

PS:  Bukod po sa wala akong maisip na pangalan ng bagong tatag na blog, kakabasa ko lang po noon ng Stainless Longganisa ni sir Bob. Naisip kong catchy ang Nagtataeng Ballpen at maaaring gamitin bilang metapora. Marami  din po kasi akong mga karanasang gustong ibahagi sa pamamagitan ng blog na ito. 


At tulad po ng lagi kong  sinasabi, ayokong masayang ang tinta ng nagtatae kong ballpen. Gusto kong magsulat, hindi lang upang  makapanghawa ng sakit, kundi makapagbigay ng aral at inspirasyon gamit ang mga isinisigaw ng isip ko, para hindi naman masayang.

BA: Ah, ok. Kumusta si PS bilang isang ordinaryong tao?

PS:  Ayos lang po.      

BA: Kumusta ang lovelife mo?

PS:  *bitter* Nagpunta po ako rito para liwanagin ang mga katanungan ng readers, hindi po para usisain ang personal kong buhay.

BA: Oh I see. We respect your privacy. Marami ang nagtatanong, kung sino ka talaga. Pen name lang ba ang Pablo? Gusto ka naming makilala.

PS: 
*ngiti* Hehehe...hindi nyo lang po napapansin, matagal niyo na akong kilala. Pen name man po o hindi ang Pablo Sio,  kilala na po ako ng readers ko. Pumikit man po sila, kilala nila ang Pablo na nanghahawa ng epidemic virus -   mga malokong opinyon galing sa baliw na tao. Alam na halos nila ang mga kwento ko at buhay-buhay ko.
BA: Sige, ganito na lang. Si Pablo ba ay produkto lamang ng aming imahinasyon?

PS: Marami na po akong naisulat. Nagkaanak na po ng maraming komento. Lahat po ng sinusulat ko, salamin ng  isip ko. Repleksyon. Balikan niyo po ang entry kong Law Door. Iyon po talaga ang gagawin ko kung kasing-yaman o kung mas mayaman pa ako kay Bill Gates.  Pero ang tingin ng commentors at mga mambabasa, sinasapian lang po ako.

_________________________________________
Dahil  nasa tao po kung ang tingin nila sa isang bagay ay katotohanan o imahinasyon lamang bunga ng isang mahimbing  na pagkakatulog at bangungot.
______________________________________________________

BA: Paano ka napunta sa field ng pagsusulat? May kinalaman ba dito ang suicide attempt mo raw? Totoo ba?

PS: Hindi po totoo ang suicide attempt ko. Suicide attempts ko. Yes, I have three suicide attempts. Lahat po `yon dahil sa mga pinagdaanan ko sa buhay. Noon, proud pa akong isigaw na may balak akong mag-suicide. Noong marinig po ako ng teacher ko noong high school, sinaway po ako at sinabing hindi dapat magsalita ng ganoon. Makapangyarihan ang mga salita.

Salita. Agad ko pong naisip ang mga nagawa ko noong elementary. Nagsusulat ako. Iyon po ang totoong alamat ng NB. Hindi ko rin po akalang dahil sa sinabi ng teacher ko, magsisimula pa ang mas mahabang kalbaryo. Siguro, kung bakit ako nananatiling buhay ay may dahilan ang Diyos. Kung naiinis man ang readers, sabihin niyo po iyan sa teacher ko. Pero mas mabuti pong hindi na natin pag-usapan yun.

BA: Bakit ka nagsusulat? Mayroon ka bang balak na magpulitika pagdating ng araw?  

PS:  Gusto lang po ng ballpen ko na patayin ang lahat ng karakter at isulat ko ang kwento ng mga karakter na ito na siyang gumagambala sa mahimbing kong pagkakatulog. 

Politics? Ayoko pong tumulad sa mga may mukha sa bill boards na kung hindi oily ang mukha, eh, phinotoshop.  

BA: Para saan ang isinusulat mo?

PS:  Para sa sarili ko po.
Picture
BA: Sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

PS:  Si sir Bob po talaga ang  idolo ko. Sa halos lahat ng aspeto ay hinahangaan ko po siya. Sa kanyang istilo, sa kanyang kwento, kung paano niya dalhin ang mga salita, at ang kanyang mga paniniwala. Ginising niya po ako sa mahimbing na pagkakatulog na talagang may bulok sa ating mga Pilipino.

BA: Ano sa tingin mo ang nakikita mong mga bulok?

PS: Bulok na gulay sa palengke, bulok na ngipin at bulok na mansanas na nalaglag sa ulo ni Archimedes.  

BA: Ano ang nagtulak sa’yo para magsulat?

PS: Nang itulak po ako ng nanay ko.

BA: Ano ang dahilan mo kung kaya ka nagsusulat kahit walang sweldo?

PS: Masaya magsulat. Lalo na pag alam mo ng may bumabasa. Pampalipas-oras at paraan para makaiwas sa drugs.

BA: Ano sa tingin mo ang dahilan para basahin namin ang blog ng isang baguhang tulad mo?

PS: Well, hindi naman po ako namimilit na basahin nila. Pero kung mababasa po nila, I hope they can relate. May mga lihim po na mensahe ang bawat entries ko. Sa una sigurong basa, wala kang makikitang katuturan. Ayaw ko po kasing isipin ng readers na pari ako upang mangaral.  Pero tulad ng Da Vinci Code, meron itong natatagong lihim kahit papaano. Hindi ko po alam kung mismong staff ko ay alam ito. 

Pero siguro po, dahil nai-reveal ko na na meron talagang “hidden agenda,” mas magiging sensitive na ang readers sa mga nababasa nila sa blog na ito at hindi basta-basta magpapadala sa mga nakikita lang nila.

BA: Ano sa tingin mo ang biggest mistake mo bilang Pablo?

PS: You know what, sir? In my 22 years of existence, I can say there is nothing major, major, I mean, problem that I have done in my life. 

BA:  Hahaha! Palabiro ka pala talaga! Madalas kang maikumpara sa istilo ni Bob Ong. Ginagaya mo ba ang istilo niya?

PS: Isa po sa mga nakikita kong sakit ng mga kabataang manunulat ngayon ay sobrang paghanga nila sa mga nababasa nila na. Hindi ko po gustong gayahin si sir Bob. Wala naman pong writer na gusting magtago lang sa anino ng iba. Nagagaya lang po siguro ng hindi sinasadya. Kaya nga po ako nagtatangka na sumulat ng mga kwentong pag-ibig sa pagbabaka-sakaling mabago pa ang istilo na ginaya ko raw, at humusay sa pagsulat. 

BA: Kumusta na nga pala ang Love stories na  mo? I mean, iyong mga sinusulat mo?

PS: Okay naman po sila. Hindi naman humihingi ng pagkain. Wala pa pong ending. Hindi ko pa po kasi alam ang uunahin sa tatlong kwentong nasimulan.

BA: By the way, may gusto ka pa bang sabihin sa mga readers mo? Sa staff mo?

PS: Nasasabi ko po ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng blog ko. 



Leave a Reply.