Wow!

Nakakatuwa malamang may mga requests na rin tayo mula sa aking email na siyang dahilan ng pagsulat kong muli nito. Ito ay hiling ni lucashikari ng yahoo.com. Nais niya ang isang entry na magpapakita daw ng mga pag-uugali ng kabataan sa henerasyong ito.

Dahil sa kahilingan ito ng isa nating mambabasa, agad ko itong tinugunan kasama ng nagtatae kong ballpen.
(Para nga pala sa mga requests, kritisismo, at mga bayolente pang reaksyon, i-email lamang po ito sa [email protected] o i-message na lamang po sa aking opisyal na account sa facebook.)
 
Ang mga nakaBOLD ay huwag na pong pansinin. Bias lamang ng may-akda.

Mga palatandaan na batang Pilipino ka:

1. Meron kang facebook account.
2. Nagshe-share ng mga larawan mula sa 9gag at iba pang facebook pages.
3. Nagla-like ng mga status update kapag nakakarelate.
4. Nakapaglaro na ng Tetris.
5. Nayayamot sa mga kanta ni Justin Bieber.
6. Madalas asarin ang mga humahanga kay Justin Bieber.
7. Pamilyar sa Angry Birds pero hindi pa naman nalalaro.
8. Inaantok sa mga subjects na hindi ka interesado. (Ex. History, Math, etc.)
9. Galit ka kay Noynoy.
10. Ang mga nakikita mong larawan ni Dr. Jose Rizal ay may kasamang itim na balahibo ng manok.
11. Gusto mong mangibang-bansa paglaki.
12. Nagbabasa ka ng libro ni Bob Ong.
13. Minsan ng pinapak ang Milo.
14. Nilalagyan ng meaning ang mga bagay na may kinalaman sa iyo. (Hal. May kahulugan ang numerong 13 dahil sa paborito mo si Taylor Swift.)
15. Naging theme song na ang Someone Like You ni Adele.
16. Masaya kapag suspended ang klase at tuwing weekends pero nagrereklamo namang bored tuwing bakasyon.
17. Trip kumain ng Chuppa Chups.
18. Minsan ng nagaya ang "I am sorry" ni Gloria kasama pati boses at paglalagay ng daliri sa tabi ng ilong na parang nunal.
19. Madalas mawalan ng ballpen.
20. Binibigyang codename ang sinumang madalas nakaback-pack na may maikling buhok na nakalugay ng "Dora".
21. Maraming alam na pick-up lines.
22. Takot mag-butt spell.
23. Mabait sa bahay, walang hiya sa school.
24. Laging nanghihingi ng papel.
25. May hinahangaang author, singer, artista, bayani, basketball player, at mga kung sino-sino pa dyan sa tabi.
26. Memorize ang cellphone number ng crush.
27. Natapos na ang Plants vs. Zombies.
28. Nakalaro na ng Tekken at napamura.
29. Minsan lang kumain ng gulay.
30. Nakikiuso.
31. May mga sulat at drowing ang mga likod na pahina ng notebook.
32. Hirap sa pagsaulo ng dates sa History class (lalo na sa panahon ng mga Hapon), pero memorize ang birthday ng crush.
33. Ifene-flames ang pangalan mo at crush mo. Kapag lumabas ang enemies o angry, pupunitin. Pero kapag sweetheart, itatago sa locker.
34. Nakachat na si Simsimi.
35. Nadapa ka na tapos nasugatan yung tuhod mo.
36. Pinaglaruan mo yung tubig habang naliligo.
36. Nagrereklamong walang kwenta ang mga opisyal ng gobyerno kapag nakikitang walang ginagawa, pero sinasabi namang O.A. kapag may ginagawa.
37. Mahilig mag-sound trip.
38. Matalinong tamad.
39. Naranasan ng makikopya at gumawa ng homework sa school.
40. May favorite at hate na teacher.
41. Tirador ng mga pakalat-kalat na walang pangalang ballpen. Finders keepers, di ba?
42.Naranasan nang mag-test na walang review.
43. May mga mannerisms.
44. Sa mga isyung pambansa, openminded. Sa mga kwentuhan sa school, greenminded.
45. Kapag may nagtanong ng paborito mong subject, pabiro mong sasabihin ang mga sumusunod.
* Recess 

* Break
* Lunch
* Uwian
* Meeting ng mga teachers
* Freetime
46. Naniniwala sa mga chain messages kapag unli, pero sasabihing hindi totoo kapag napasahan ka ng walang load.
47. Nakatanggap na ng text na nanalo daw siya ng isang milyon sa *_________* Foundation. Syempre, hindi ka maniniwala pero ipinakita mo ito sa magulang at mga kaibigan.
48. May codename ang crush.
49. Mapagmahal sa kalayaan. Ayaw sa mga pakialamero/pakialamera.
50. Nakatanggap ng kalendaryong may mukha ng pulitiko.
51. May mga teacher kang nagpapabalot ng notebook sa art paper with matching color coding. At naiinis ka dahil pinipili mo yung design ng notebook mo, tapos papabalutan lang.
52. Napapa-"YES!" kapag may bonus sa exam.
53. Kapag biglaan ang tanong kung ano ang pambansang awit, ang sinasabi mo ay "Bayang Magiliw".
54. Xerox ang tawag sa photocopy.
55. May mga nasasayang na puntos tuwing exam dahil sa hindi pagsunod sa instructions.
56. Hindi mo alam kung anong meron sa fourth Sunday ng August, pero alam mo kung anong meron sa February 14.
57. Bitter ka pagdating sa love.
58. Kapag tinatanong ang klase niyo, kung anong pangarap niyo paglaki, halos sasabihin niyo ang lahat ng propesyon, maliban sa "magsasaka".
59. Ipinapakita lang sa magulang ang test na may matataas na score, pero itatago at sasabihing hindi pa nache-check-an ang test na mababa. Ang test paper? Itatago sa bag o locker hanggang nakalimutan na ng magulang!
60. Gumagamit ng New Tab. Google sa kabila. Facebook, Twitter, Tumblr at YouTube naman sa kabila.
61. Ika-copy-paste ito at ipopost sa Facebook! (Go lang!) Wag mo lang sanang makakalimutan ang pag-link sa blog ko at pagbabahagi sa mga kaibigan!

Salamat! XD
Juno Moneta
4/15/2012 05:18:26 pm

What if other kids don't have the same qualities or characteristics or likes and dislikes? Can you still call them a Filipino Kid? And I suggest don't put some harsh things there. But I really like the 5th item..... :)

Reply
Name Unavailable
4/17/2012 01:03:10 pm

I agree. And this isn't enough basis to know if whether a kid is a filipino or not. Just saying. ;) And again, I agree and I also like the 5th item. :D

Reply
Lucas Hikari
4/15/2012 06:05:46 pm

Napansin ko lang na lahat ng naka-bold ay mga characteristic mo..... Parang binibigyan mo ng diin lahat ng characteristics mo like February 14... Number ng crush mo (trust me... alam ko kung sino yun....) May codename ang crush etc.... Anyways.... that's somehow a technique of writers with pseudonyms.... they describe themselves..... well, I cannot blame you..........

Reply
Pablo Sio
4/15/2012 06:16:31 pm

may kinalaman man s kin o hindi, importante ay natulungan kita Lucas Hikari. Salamat uli sa pagre-request!

Reply
Name Unavailable
4/17/2012 12:51:43 pm

Cool, but I should say, we Filipinos are forgetting what we were before. So sinusuggest ko, sana makagawa ka ng old version nito. Pero great job para sa magandang blog entry. ;)

Reply



Leave a Reply.