“A good teacher has been defined as an individual who can understand those who are not very good at explaining, and explain to those who are not very good in understanding.”

-Dwight D. Eisenhower, 34th President of United States


Makulay ang buhay estudyante, SPECIAL. Salamat sa mga taong pinaka-nagbigay kulay sa mga sandaling iyon - ang aking mga teachers.

Likas na pagiging “torpe” sa akin. Bilang patotoo, marami akong naipong mga “Thank You Cards” sa bag ko. Plano ko sanang ibigay yun sa mga espesyal na araw, tulad ng Teacher’s day, Pasko, Bagong Taon, Valentines Day at hanggang sa kadulu-duluhan, sa pagtatapos ng school year. Pero lahat, walang chance. Walang lakas ng loob para ibigay ang mga dapat ibigay. Kaya ngayon, kahit bakasyon at holy week ay pinilit kong ihabol, idadaan ko ang pasasalamat ko sa entry na ito.

Pero dahil sa lahat, nobela, mga hindi na lang masyadong confidential na part ang ilalagay ko.


Dahil bukod sa mga kaklase ko, sila rin ang naging insprasyon ko para sa pagtatatag ng N.B. o mas kilala mo ngayon sa tawag na "Ang Nagtataeng Ballpen." <Ihahagis na ang confetti> Kilala mo na ang mga sisisihin. 

Uunahin ko ng pasalamatan ang mga naging adviser ko.
First day. Tahimik. Lahat behave. Liban sa iilang unti-unting gumagawa ng ingay. Syempre nakikiuso, tahimik din ako. Masipag at supportive ang mga advisers ko. Hindi ko rin po sila masisisi kung minsan eh, mainit ang ulo sa amin. Mga likas na makukulit  at pasaway kasi kami.
Message: Salamat po sa pagtitiyaga. Sa paulit-ulit pong pagpapaalala sa akin na mag-aral pang mabuti. 
Sa mga homeroom advisers na lagi akong pinagwawalis, salamat po.


Pangalawa, sa mga Math teachers ko. Naks! Malapit sa puso ko ang math eh.
NB: Talaga lang ha...
Pablo: Shut up!

Sa mga Math teachers ko na patuloy ang pakikibaka para ma-solve ang "X" at "Y", maraming-maraming salamat. Masasabi ko pong kayo ang mga tunay kong bayani. Salamat po sa pagpasensya sa akin at hindi naman po ako nabigyan ng palakol sa card kahit mababakas po sa mukha ko ang pagdidiliryo tuwing nagdi-discuss po kayo. Ang pagpilit niyo po sa aming makinig kahit humihikab ang patuloy pong nagpapahanga sa akin. 

Filipino teachers. Favorite subject. Ito lang kadalasan ang pampahila pataas ng grades ko. Marami po akong natutunan sa gramatika at kaalamang pangwika. Kaso hindi ko po masyadong nagagamit. Salamat po.

Computer Education teachers. Pinball. Never forget. Lagi akong na-attempt na laruin yan. BTW, natutunan ko sa kanila ang paggamit ng bullet sa MS Word, animation sa powerpoint, themes ng movie maker, at ang hit, Adobo Putoshop! Para lang po sa kaalaman ng lahat, CS4 po ang gamit namin. Salamat po! 

English teachers. Kahit english carabao at Pacman ako minsan, nagagawa pa rin nilang sakyan ako at tulungan para mairaos ang nose-bleeding explanation. I am grateful to have those teachers. Am I correct?

Salamat din sa mga naging MAPEH teachers ko. Kahit paminsan-minsan, wala sila, okay pa rin. Dami kang matututunan. Kahit noong elementary ako, pagdo-drowing lang ng G-Clef  ang natutunan ko sa Music teacher ko, pero nabawi naman nung high school dahil sa performances. Speaking of performances, natuklasan namin dito ang mga natatago naming talento na napagdesisyunan na lang naming itago.

Science teachers. Dahil sa kanila, nakilala ko si Galileo at Neil Armstrong. Salamat po sa pagpapaalam na ang  telescope pala ay may dalawang uri - reflecting at refraction.

Values Education teachers, <hikab>, salamat po <hikab> sa pagtuturo ng magagandang asal. Kahit na madalas po kayong kaasaran <hikab>, kita ko po ang importansya niyo. Nakokonsenya pa rin po ako sa tuwing nangangral po kayo. <Hikab> Salamat po sa walang sawang pagtuturo kahit sa tingin ng iba at hindi na dapat pag-aralan ang asignaturang ito.

History teachers. Paiikliin ko na lang. [Sa totoo lang, halos dito naipon ang 50% ng mga sulat dahil sa nerbyos kong iabot sa kanila]. To be honest, interesado ako sa subject na ito, pero dahil nga sa ....... nagsama-sama ata talaga dito ang mga dapat katakutan, mas pumapaibabaw ang nerbyos kaysa sa excitement ko tuwing pumapasok ang mga gurong ito.

Maraming unforgettable moments sa history class, pero lahat yon nakalimutan ko na. Ayoko ng maalala lahat ng ................................. sinapit ko. Napahiya sa ilang reporting, nabara sa recitation, bumgsak sa tests, muntik umiyak sa pakikipagdebate, nagba-blush (daw) tuwing kinakantyawan at inuutusan.
Salamat na lang po sa pagtuturo sa aming maging kasing tapang sina Rizal at Bonifacio sa pagharap sa mga tao at suliranin sa buhay.
Bitter gourd na kung bitter gourd, pero hindi po exaggerated ang pinagsasabi ko. Hango po ito sa tunay na buhay. 

Yan ang teachers. Ang mga tunay na superheores. Kasama ang kanilang mga armas na reciation cards, class record, calculator, pati na ang eraser na pambato. Sabi nga, they can affect eternity. No one can tell where his/her influence stops. Si Rizal,  may naging paboritong guro din - si Padre Sanchez. Kita mo na? Hindi maiiwasang tulad niya, ay magkaroon din tayo ng paborito at pinakapaborito. Mahirap iwasang humanga lalo na't nakikita natin ang mga sakripisyo nila alang-alang sa tungkulin at obligasyon sa bayan. 

Hindi rin ganoon ang suportang naibibigay sa kanila ng gobyerno, kaya po pakatatandaan lang po natin ang pangalang Pablo Sio para sa 2016 election! Na ipaglalaban po ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino at itaas ang pasahod!



Leave a Reply.