Sa isang mock test namin, tumimo sa akin ang katanungang muntik nagpa-people power sa mga "special". 
Narito ang tanong:

"Saan napupunta ang pinakamalaking porsyento ng kabuuang badyet ng pamahalaan?"

Choices? :

A. Katatagang Panlipunan
B. Kaunlarang Pangkabuhayan
C. Tanggulang Pambansa
D. Bayad sa mga Utang

Habang nagte-test, ganito ang naging tugon ko:
...hmmppp... Tanggulang Pambansa?!?! Niloloko ba ako nito? Eh kumusta naman yung mga sundalong kahabag-habag ang abang kalagayan?
C, hindi pwede...

Tatlo na lang  ang natitira. Sa last five minutes pa eh,  last question na lang pala. Sinubukan kong maghanap ng ibang question na may skip, pero wala na talaga. No choice. Kailangang sagutan.

A, B o D. Anak ng Tipaklong naman oh! 

`Pag sinabing panlipunan, sure akong kasama na diyan ung mga pasweldo sa mga manggagawa. Pwede to. Tingin ulit sa  dalawang natira pa. Pangkabuhayan at bayad sa utang. Saka ko lang napansin...

BAYAD SA UTANG? Teka, seryoso ba gumawa ng test na ito? Kung bakit medyo nakagugulat, high school students ang magte-take ng test. Well, hindi ko na dapat pang kwestyonin ang gumawa. Sasagutan ko na lang. Pili ulit, pangkabuhayan, panlipunan, o bayad sa utang. Ano ba? Sayang ang one point noh? 

Wala pa akong natatandaang programa ng pamahalaan para sa pag-angat ng kabuhayan. Titik B? Eeenggg!

Dalawa na lang. Nagbabato-bato picks na utak ko. Ang mukhang disenteng  sagot, o ang mukhang hindi seryoso na pinagtatakhan ko kung bakit inilagay. Talo-talo na isip ko. Ayokong gamitan  ng mini-mini mie ni mo. Tinatamad ako.

 Pumikit ako. Pagkadilat ko "A" agad nakita ko. Final answer? A na lang!
----------------------------------------------------------------------------------------------
Buwis. Pinagkakakitaan yan ng pamahalaan. Lifeblood ng government. Hindi maisasakatuparan ang mga plano kung walang  pondong magpapakilos rito. 

Sa pagkakataong ito, dito na nasapul ni ma'am ang sagot. Balik ulit tayo sa kwento. Medyo nagdalawang isip pa si ma'am sa sagot. Ingat na ingat sa next move.

 Sa awa ng langit, tama ang sagot ko. Panlipunan. Oks na oks! Tyamba ko yata yon! Dito raw kasi nanggagaling ang pang-ospital. 

(Saka ko na-recall yung sinabi rin niya noon na wala raw matinong ospital sa bansa. Kakaunti. Samantalang SM, napakarami! Gusto ko pa  sanang tumutol, pero parang minali ko na rin yung sagot  ko.)
  
 Pero may pahabol si ma'am. Sa totoo daw, sa bayad-utang daw talaga yun. Pero sabi niya, letter A daw iko-consider. `Yon daw ang io-honor ng Division Office. Kdot.

Ayoko na uling maglecture pa ng history at ungkatin ang mga kabulukan ng administrasyon noon na nagpalaki sa utang ng Pilipinas. Domino Effect kung baga. Mababaon sa foreign debts ang bansa. Kung tutuusin, hindi naman ramdam ng nakararami ang pinatutunguhan nito.


Bayad-utang. Alam naman nating pag may utang, malamang may interes! Mas matagal, mas malaki ang interes. Magpapautang ba ng limang libo ang bumbay ung hindi niya pababayaran ng anim ng libo after a week, or a month?

Resulta? Hindi pa ipinapanganak ang anak mo, may utang na siya!!!Pero ang utang ng Pilipinas ay di parang utang sa bumbay na pwedeng takbuhan. Hahabulin at hahabulin ka. Pwedeng kunin ang TV niyo, sala set, radio, pwedeng cellphone, pati mga twalya at sipit ng sinampay kukunin!At....hindi ka pwedeng tumanggi! Apektado ang ekonomiya niyan...

Anyways, highways, buo pa rin ang pananalig kong dapat tayo magbayad ng buwis, hindi man siguradong siguradong masagot ni ma'am kung saan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang simpleng tanong man sa test na hindi recorded ay naging interesanteng paksa sa akin.

And guess what? Nagtatae ang ballpen ko!!!



Leave a Reply.