Sabi nila, wala daw problema ang mga bata. Well, SABI LANG NILA YUN.

Almost 15 years na rin akong nag-aaral. Umiikot lang ang buhay ko (namin) sa dalawang daigdig. Home and school.  Pero yung iba, apat. Bahay, silid-aralan, sinehan at --- computer  shop.


Ngayon, focus muna tayo sa ating pangalawang tahanan – ang paaralan.
Sa loob ng labinglimang taon, ito ang pinakapinoproblema daw ng mga estudyante, ayon sa SWS survey na gawa-gawa ko.

Top 10: Panglakwatsa. Habang sinasakal mo daw ang isang ibon, ay mas pinipilit nitong makawala.  Hindi maiiwasang ang isang student ay maghanap ng kaligayahan sa labas ng tahanan at paaralan kasama ang mga kaibigan at kabarkada. Hindi masama ang paminsan-minsang panonood ng sine at pagtambay sa bookstores, masabi lang na tumambay sa mall. Pero ang problema dito, kung papayagan ka ba ng parents mo. Cover nito ang permission ng magulang, pera at time.

Rating: GG ko! = Gustong-gusto ko!

Top 9: Sino ba sa isang high school student ang hindi humanga sa kapwa niya? Importanteng magkaroon ng inspirasyon at/o admiration ang bata upang makatulong sa kanyang motivation. Ang pangsiyam- crush/ lovelife. 

Ayiiiieee!!!

Pero sa totoo lang, isa rin ito sa mga numero-unong distraction sa pag-aaral. Magiging maya't maya na kasi ang pagcheck sa phone, fb account, feel mo laging magpa-impress para mapasin ka, at para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa `pag napahiya ka. To make it short, nakakawala ng focus.  At syempre, dahilan para tubuan ka ng public enemy #1, tigidings.

Rating: R na R! = Relate na Relate!

Top 8: Classmates. Baka talagang mabato na ako ng kamatis nito. Subalit, alam  kong mag-aagree rin naman  kayo dahil sa likas ang magkaroon ng different personalities with different perspectives. Iba-iba. Samu't saring opinyon.
(Dear editors, tama ba ang spelling ko?)
Iba-iba rin ang ugali, di na ako magtataka kung minsan ay magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pero remember, part yan lagi.

Rating: NA = Not Applicable.

Top 7: Magulang. Pinakakumplikado. lalo na yung ibang parents na mahirap paliwanagan. Kailangan lahat i-explain at ipaunawa. Minsan, masyado ring palatanong. Umamin ka, minsan, gusto mo ng sagutin ng, "Kayo ang pumilit sa akin para dito mag-aral, tapos, kayo rin magre-reklamo." 
Pero tandaan natin, ginagawa lang nila yun dahil mahal nila tayo.

Rating: AA! = Agreeng-agree!

Top 6: Stress. Bukod sa crush, factor din ng tigidings. Ganun. Ultimate ang level nito. 

Rating: KK = Kakapuyat

Top 5: Sa isang average na estudyante, paminsan-minsan, aatakihin pa rin tayo ng problemang pangpinansyal. Panglima- pera. Hirap kumuha ng project, lalo na pag nagastos mo talaga sa ibang bagay. Boom! 

Rating: G na G! = Gipit na Gipit!

Top 4: Teachers. Aheeemm... i-eexplain pa ba yan? Mahirap kasi pakisamahan yung iba. May nakakabad-trip, pero oks lang din minsan. Lalo pag absent sila. Iba pa rin yung feeling!

Rating: Umiiyak at napapahiyang estudyante

Top 3: Clue? Mabilis tumakbo! Athlete, eenggg!!! 

Time. Palibhasa, ultimate kalaban kasi ng mga estudyante to the highest level, cramming at time mis-management. Mabagal pag wala kang ginagawa, sobrang bilis pag kinabukasan na ang pasahan ng projects, may quiz bukas, recitation, summative at kung ano-ano pang kadramahan.

Rating: Wala akong maisip.

Top 2: Dibdiban na ito!!! Wala na akong pakialam kung makatapak ako ng iba. Kung mabaliw man ako kakaaral. Kung magka-ulcer man ako. Basta, dapat, mataas ang grades ko! [ Ilag mga natamaan ]
Marami kasi tayong natutunan sa paaralan kasama na ang pagiging grade conscious. Ito raw kasi ang sinasabing sukatan ng katalinuhan. Ito raw ang produkto ng iyong mga pinaghihirapan, pinagsisikapan at pinagpupuyatan. Right? Left? 

Pero sabi pa rin ng teacher ko, numero lang yan. Character pa rin ang sukatan. Pero ewan ko ba kung bakit marami ang _______ para dito. 
[ Ilagay mo na lang sa blank ang anumang naiisip mo ]  

Rating: Pass or fail?

 And first place goes to....    < drumroll > 
Ang ating Top 1: PAPEL. Yung ginagamit kasama yung ballpen, check! Eh pa'no ung "mapapel"? Check na rin. Nagreview ka sa quiz o ano mang test, pero di pa rin tapos ang kalbaryo. May one whole sheet ka, kaso sabi ng teacher, one-fourth daw. Anak ng tipaklong! Effort na naman sa paggupit kung walang mahihingan. Mga estudyante talaga! Kawawa naman yung National Bookstore ng klase niyo oh. 

Rating: Marami pa pala akong entries na gagawin. Pahingi namang papel. 
Secret ns lang
3/25/2012 05:51:00 pm

relate lhat cant bliv na gnagawa 2 ng isang tao lng

thumbs up

Reply
Jhen
3/25/2012 05:57:43 pm

i bet to disagree s papel insane ata gumawa nito e

lang kwenta

Reply
Brendan Smith
3/25/2012 06:37:12 pm

Well, it's most likely that the students' main problem is paper. I encountered this problem many times. I think you, Jhen, is a very selfish woman that never gives paper to everyone or you go to a school where everyone has a whole pad of paper everyday and every month so you couldn't relate to that thing. And a little comment for the writer. Your keeping SLIGHTLY pessimistic blogs. Aren;t you positive in your life???

Reply
Frigglish
3/25/2012 06:40:38 pm

"Top 2: Dibdiban na ito!!! Wala na akong pakialam kung makatapak ako ng iba. Kung mabaliw man ako kakaaral. Kung magka-ulcer man ako. Basta, dapat, mataas ang grades ko! [ Ilag mga natamaan ]
Marami kasi tayong natutunan sa paaralan kasama na ang pagiging grade conscious. Ito raw kasi ang sinasabing sukatan ng katalinuhan. Ito raw ang produkto ng iyong mga pinaghihirapan, pinagsisikapan at pinagpupuyatan. Right? Left?
Pero sabi pa rin ng teacher ko, numero lang yan. Character pa rin ang sukatan. Pero ewan ko ba kung bakit marami ang _______ para dito.
[ Ilagay mo na lang sa blank ang anumang naiisip mo ] "
~~~~~~
Ito talaga yun eh. :|

Reply
Eutoile Paganini
3/25/2012 07:15:32 pm

Yung top 2 sa list mo. Grades.

Actually hindi ako natamaan eh. Wala akong pake sa kung ano man ang magiging grade ko sa kahit ano na subject, kahit kung mukhang sobrang focused at sobra-sobra na ako sa pag-aaral. Pero, oo, mas gusto kong mataas ang grades ko. Hindi naman ako pinipilit ng mga magulang ko. Tinataasan ko lang naman para masaya sila...Gusto naman nila na mas mataas pa, kahit sabi nila na gawin ko lang ang kaya ko. Kahit ano ang gagawin ko, sigurado ako: i'm not good enough for them, and I never will be.

"Marami kasi tayong natutunan sa paaralan kasama na ang pagiging grade conscious. Ito raw kasi ang sinasabing sukatan ng katalinuhan. "

Nakuuuuu. Sukat ng katalinuhan? GRADES? Hahahaha. Nothing could be further from the truth. Ok lang sana eh, kung ang basehan ng grades ay ang totoong pagkaintindi mo sa lessons. Pero hindi eh. Masyadong focused ang mga estudyante ngayon sa grades nila kasi yung binibigyan ng focus ng sistema ng edukasyon natin (mga magulang na rin) ay ang grades. :\

Reply
Jhen
3/26/2012 05:34:24 pm

brendan smith, bkt k ba nangingialam s mga gz2 kng sbhn? we are in a democratic country, pede tayong mgsalita hanggng gz2 ntin ano bng prroblema?

Reply
Name Unavailable
4/20/2012 12:58:31 pm

Jhen, just because we are leaving in a free democratic country, doesn't mean you can say all you want to say. Yeah, you are free to say your opinions as long as you will not hurt someone's feelings. As a matter of fact, you can say your opinion IN A NICE WAY. Good day.

Reply
Name Unavailable
4/20/2012 01:04:43 pm

Haha, di ako masyado relate sa Top 8. :) United kasi kami ng section namin. Haha.

Reply
wow!
4/24/2012 02:33:26 pm

kakatuwa ung top 9, ang galing, karelate
pero study is the first policy!! ehhh!!!

Reply



Leave a Reply.