Sa mundong internet na ang nagpapaikot, bihira ka ng makakita ng batang humahawak ng libro, mga dictionary at encyclopedia to be specific, dahil kadalasan, search na lang sa net. Ultimo mga libro, meron na dito.
First step. Hanapin mo sa google yung title ng libro, ang piliin mo yung PDF format. Next, hanapin mo na lang yung download. Presto! Meron ka ng E-book.
Bakit ko alam? Na-try ko na!!!
Speaking of libro, meron akong kaklase (halos lahat ng mga kaklase ko) na “addicted” sa librong The Hunger Games. Isinulat iyon ni Suzanne Collins, anak ni Michael Collins, kasama nga pala ni Neil Armstrong sa pagtapak sa moon. [Yes!!! Nai-segway ko na!]
Maswerte ang mga manunulat ng mauunlad na bansa, dahil nirerespeto ang anumang gusto nilang isulat. Suportado rin sila ng kanilang pamahalaan sa pag-eexport ng mga libro. At maraming bumibili ng kanilang mga libro sa loob at labas ng kanilang bansa.
Pero sa bansa natin, iilan lang ba ang kilala mong Pilipinong manunulat ng milenyong ito, bukod kay Bob Ong?
Hindi ko masasabi ang pakiramdam ng pagbabasa ng mga “fictional stories” tulad ng Hunger Games, dahil hindi ko pa naman ito nababasa nang buong-buo at simulang-simula.
Nakakalungkot. Subalit ito ang katotohanan sa mga istante ng mga bookstores sa Pilipinas nationwide. Malaki ang espasyo ng mga imported books kung ikukumpara sa mga local. Kung tutuusin, malaki ang difference sa kanilang mga presyo. Di hamak na mas maliit ang presyo ng aklat na gawa sa Pilipinas. Ngunit naitanong mo ba sa iyong sarili kung bakit mas pipilahan at mas babasahin mo ang gawa ng taga-ibang bansa?
Sa entry na ito, maaaring mabato ako ng kamatis at pulutin sa kangkungan. Maaari akong iwan ng gumawa ng blog na ito, maaari akong iwan ng mga nagbe-brainstorm din para sa entries, pwedeng wala ng bumasa at sumuporta sa mga ginagawa ko. Bakit? Dahil lahat sila, die-hard fans ng Hunger Games.
Hindi ako tutol sa pagbabasa natin ng mga librong foreigner ang authors. Pero tingnan niyo, ang librong sariling atin, nilalangaw. Isa pa, naiisip ko rin kungn bakit mas patok ang "fictional stories" kaysa sa mga librong humaharap sa masakit at mapagdalamhating aklat na tumatalakay sa buhay-Pilipino. Dahil ba sa ayaw na ng kabataan ngayon na makisalo sa sakit sa ulong suliranin ng kanilang sariling bansa? Kasalanan na ba talaga ang pagharap sa realidad?
Dahil ba sa mas enjoyable basahin ang adventure nila Katniss at Peeta matapos ang Hunger Games sa Catching Fire kaysa sa impeachment ni Corona at ang highblood na si Santiago?
Hindi ako tutol. Sasabihin ko ulit. Maaaring habag lang ako sa libro natin dahil sa mas gusto ko ang reality kaysa sa abstract at maimahinasyong mga kwento.
Pero sa pagkakataong ito, hinihiling ko kapatid, ikaw naman ang magnilay-nilay. Pag-isipan mong mabuti.
Ang lagi kasing sinasabi ng mga dayuhan noon, mas maganda ang puti. Mas ayos tignan kapag matangos ang ilong. Mas mayaman tingnan. Mas matalino. Kayo, nababagay lang sa putikan! Bobo! Indio! Walang alam! Low quality lang kayo, kahit anong gawin niyo! Di niyo matutumbasan ang kakayahan namin!
Tignan niyo! Pati pangulo niyo, panot! Kalbo! Walang ginagawa!
[At diyan na nagtatapos ang walang kwentang kwento]