Ang corny ng topic natin ngayon, kaya nasa sa’yo na kung gusto mong basahin.

DISCLAIMER: Produkto ng mapagdurusang puso ng sumulat. Baka hindi mo gugustuhing basahin, pero kung babasahin mo, salamat.

Eto na naman ako. Mahilig sa enumerations. Ang dami-daming panahon para gumawa ng mga walang kwentang listahan. Pero interesante ang title. Bakit kailangan mong mag-aral kahit puro pahirap na lang ang nararanasan mo? Hindi rin pangkaraniwan ang mga sagot. Basta ito na lang:
    


Panglima – Marami kang matututunan

Sa unang sulat ko pa lang, ito agad ang pumasok sa isip ko. Importante ang pag-aaral dahil sa maraming impormasyon sa mundo. At ang katuturan ng mga kaaalamang ito, dapat mong malaman. Para marunong kang magbasa, magsulat at magbilang. Importante ito para hindi ka maloko ng kahit sino. Alam niyo naman ang sakit ng lipunan, kung ayaw magutom, magnakaw o pagsamantalahan ng iba. Pero kung bakit panglima lang, ewan ko rin. Sabi lang ng ballpen ko.

Pang-apat – Mapapakinabangan mo ang pondo ng pamahalaan

Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap pa rin. Biro lang. Nagbabayad tayo ng buwis. Isa sa mga dahilan kung bakit mo kailangang mag-aral ay dahil sa nagagamit ang pera sa edukasyon. I-enjoy natin ang sarili nating kita, kaysa mapunta lang yan sa mga taong nakamineral water at nakaupo araw-araw sa de aircong kwarto.

Pangatlo – Masusubok at makikilala mo ang sarili mo

Isa sa mga mahahalagang elemento. Sa school, matatantiya mo ang level ng fighting spirit mo. Nandyang nagte-test ka na hindi ka nagreview o nakagreview. Pero syempre, tuloy pa rin. Bawi na lang sa susunod. Dito mo mararanasang pumalpak at mapahiya, at kung papaano mo haharapin ang mga problema mo.

Pangalawa – Para sa mga twists sa school


Mahalagang marasan mo ang experience na sa dinami-dami mong ginawa sa araw na yon dahil kinabukasan ay kailangan na lahat, biglang ia-announce ng PAGASA na walang pasok bukas dahil sa bumabaha na at 14 na ang namatay. Sino ba naman ang nag-aral na walang experience sa surprise quiz, surprise summative test, surprise recitation at..... SURPRISE QUARTERLY EXAMS! Magandang maranasan mo ang mga yan at maniwala kay Batman at sa kakayahan mong makatyamba. 

Una – Para sa baon at allowance

Ito ang finale sa lahat. Pinaka-nangungunang rason kaya nalulugi ang kabataan tuwing summer at kung opening ng klase. Matumal sa mga panahong ito ang kita. 
Mahalagang pumasok ka para sa baon at allowance para magkaroon ka ng "inspirasyon." Bad influence nga ba talaga si Pablo kung sinasabi niya ang totoo? Pero syempre, importante pa rin na meron kang natutunan, at nakakain, at the same time.



Kaya kung nagbabalak ka ng tumigil sa paaralan sa susunod na taon, sige ka! Hindi mo mararanasan ang mga masasarap at masasayang bagay sa pag-aaral. Ikaw rin! Baka pagsisihan mo!
 
WRITER’S NOTE: ANG MGA SUMUSUNOD NA DAHILAN AT SALIK AY HINDI NAKAAYOS NG LEAST TO GREATEST.

Napanood mo na ba ang video na halos naging viral sa internet na pinamagatang 20 Reasons Why I Dislike the Philippines? Isa ito sa mga nagging patok na video sa YouTube. Tumatalakay ito sa sinasabing kabulukan dito sa Pilipinas.  Muli na namang nabuo ang pangit na imahinasyon nating mga Pilipino.

Hindi ko man ito personal na napanood (dahil sa iba’t ibang kadahilanan, noong una, ayaw dahil sa hindi ma-play, yung pangalawang try ko naman, sumakit naman ang tyan ko hanggang sa naisip ko na baka talaga hindi ko dapat iyon mapanood), narinig ko naman sa balita at gayundin ang pagsasaalang-alang ko sa reaksyon ng ibang nakarinig, na talagang kasuklam-suklam si Jimmy Scietska dahil sa pagbubunyag nya sa katotohanan.

Truth hurts. Humingi ng paumanhin at public apology si Jimmy, pero wala na. Sira na naman ang papel natin sa ibang bansa. Pero sa kabilang banda, isipin natin kung ano ang naidulot nito sa atin. Muli na naman tayong ginising ng katotohanang ito pilit na itinatago sa mga medalya at karangalang naibibigay sa bansa.

Bilang sagot, muli kong ginawa ang listahang ito (dahil sa wala talaga akong magawa para makalimutan ang mga sama ng loob at kahihiyang tinamasa ko) ang sampung rason kung bakit ayaw ng mga Pilipino minsan sa sarili nilang bansa at kasama na rin kung bakit kadalasang hindi nagiging produktibo ang mga Pinoy. Narito ang nabuo kong listahan habang umiiyak:

  1.  Traffic – Sinong Pilipino ba ang matutuwa sa paulit-ulit at tila wala na yatang katapusang ganitong sitwasyon. Sa araw-araw na ginawa ata ng Diyos, wala ng nagbabago, lalo pa yatang lumalala. Masasabing trademark na ito ng Pilipinas. Kundangan ba namang pahintulutang ng LTO na mabigyan ng lisensya ang mga adik, ayan, kundi asikdente, trapik!

  2.  Walang nakikitang maganda sa gobyerno – Hindi sa walang tiwala sa gobyerno, kundi sa walang nakikitang ginagawa ang gobyerno sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Magbabayad ka nga ba talaga ng buwis, o susunod ka sa batas kung sa tingin mo naman ay abusado naman ang mga opisyal?

   3.  Palaging tumitingin sa negative side – Gaganahan ka nga ba kung ang puro naririnig, nakikita, naaamoy at nalalasahan mo ay negatibo? Magkakaroon ka din kaya ng patuloy na pagsisikap kung wala ka ng nakikitang patutunghan ng mga pinaghihirapan mo? Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi na tayo nagtiya-tiyaga na maging produktibo pa at gumawa para sa ikauunlad ng sarili at makatulong sa pamayanan.

  4. Low quality of education – Ito ang paulit-ulit nating nakikita at nararamdaman sa ating kabataan. Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga batang pumapasok sa paaralan at nakakapagtapos. Parami-rami naman ng marami ang bilang ng mga gamut na nagpapataas ng IQ ng bata. Ilan lang ba ang matinong classrooms? Mga magagaling, fair, at bihasang mga guro? Malilinis na classroom? Haaayyy…nakakasama talaga ng loob.

  5. Kahihiyan sa ibang bansa dahil sa iba’t ibang kontrobersya – Ilang ulit ko ng narinig sa mga kababayan ko sa ibang bansa at nababasa ko sa mga aklat ang tema ay pagiging makabayan, madalas palang ikahiya ang bansa ng mga kapwa natin OFW sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa mga mapanirang kuro-kuro tungkol dito. Madalas din pala silang makatikim ng mga masasakit na salita sa ibang lahi dahil sa pagtingin ng mga ito sa lahat ng Pilipino. Kaaawa-awa naman ang mga nakakapunta sa ibang bansa dahil sa kadalasang discriminationg natataanggap dahil nga sa Pilipino sila.

 6. Corruption sa mga ahensya at pang-aabuso ng ilang maykapangyarihan – Isa ito sa mga pinakapangunahing rason kung bakit napapadalas na ang pagsasabi natin ng mga kapintasan sa ating pamahalaan. Mahirap kasi maibalik ang tiwala kapag nawala.

  7. Maraming tsismosa, ilan lang ang mga concerned citizens – Kakawalang gana talaga ng mga ganitong scenario. Hayaan niyo sanang ibahagi ko ang karanasan kong minsang papasok ako sa pinagtatrabahuan ko. Nakasakay ako sa jeep noon. Traffic. Sa katunayan, napapamura pa nga ang naninigarilyong driver. Hanggang sa may nakasalubong kaming isa pang jeep (kumpare ata itong driver), naibalita niya na meron daw naaksidenteng motor doon sa bayan kaya usad-pagong ang mga sasakyan. ****** *** daw talaga! Pagsapit namin sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, marami ang tulala at nagbubulungan sa tabi ng kalsada. Kung hindi pa dumating ang traffic enforcer na late na late, hindi pa matatapos ang komosyon. Ang masaklap, saka pa lang napatawag ng ospital at pulis. “Lang yang buhay naman talaga, nasa Pilipinas nga talaga tayo. Wala man lang nagmalasakit doon sa naaksidente. Nakiusyoso, marami,” naibulalas pa ng marami.

  8. English ang speech ng mga pulitiko – Kadalasan, English ang speech ng mga pulitiko. Pero gaya nga ng isang ordinaryong mamamayan, kadalasan, hindi natin alam kung may halaga pa ba ang mga sinasabi nila. Mahirap unawain ang kanilang “terminolohiya” na para lamang sa mga mataas ang pinag-aralan. Hindi na ako magtataka kung karamihan sa mga Pinoy ay hindi na masyadong nakikialam sa mga suliraning nahaharap lalo na sa pulitika, kung ang gamit ay wikang English sa pakikipagtalastasan.

  9. Poverty – Karaniwan ng makikita sa kalsada, kasabay ng mga nagtitinda ng mga mani, ang mga batang pakalat-kalat at humihingi ng limos. Wala ring ibang view kungdi mga barung-barong, nagma-mahjong, tong-it, at mga lalaking nakahubad na nagta-tap session. Isama mo na rin ang “plankers” at regular na “Noynoyers” sa Mendiola. Lahat ng ito’y bakas ng kahirapan.

  10.   Problema sa basura – masisikmura mo ba ang mga brown at itim na daga, lumilipad na ipis, isang lahi ng mga langaw na kapag pinagsama-sama ay mas malaki pa sa buong Ilocos, na makita sa halos lahat ng sulok ng bansa? Kung Pilipino ka, dapat immune ka na sa mga ganyan lalo pa sa squat areas. Importanteng sanay ka na, para kung saka-sakali, eh, hindi ka na manibago.

Kita mo na? yan ang mga dahilan kung bakit minsan, hindi 100% ang pagsisikap mo. Ayoko munang mangaral, basta, nalulungkot ako, sa kung anong nangyari sa akin at sa pinagdadaanan ng bansa.

Picture
"Bawal Magtapon ng Basura." Kayo na ang humusga sa katigasan ng ulo ng mga Pilipino ayon sa larawan.
 
Sa tuwing napapanahon ang mga graduation ceremonies at pagtatapos ng school year, nauuso din ang maya’t mayang pagkawala ng mga teachers dahil sa pagko-compute ng grades. As a result, dumadalas din ang paboritong subject ng mga bata, freetime.

At dahil sa likas na iba-iba ang trip, iba rin ang mga karakter nila ayon sa kanilang personality. Halina’t kilalanin natin  ang ilan sa kanila.

FB friends – mga tipo ng estudyanteng mahilig makipagchat. In other words, makipagkwentuhan. In other words ulit, makipagtsismisan. Kahit anong topic, papatulan. Updates sa impeachment ni Corona, bagong pick-up lines ni Santiago, ano ba ang bago sa mga gadgets ngayon, sino ang over-all rank 1 ng batch, ano ang tamang paraan ng pag-aalis ng mantsa, kung bakla nga ba talaga si Bieber, at kung tunay na anak nga ba ni Rizal si Adolf Hitler.

Musicians – sila naman ang mga mahihilig magitara, tumugtog ng musical instruments at mag-sound trip. Kadalasang palatandaan nito kung maganda ang model ng cellphone at kung maraming kanta, kasama na rin yung mga mahilig gumamit ng earphones. Trip nilang tumambay sa likod. Moody ang karamihan dito. Musically- inclined kasi.

Techies – pinagsama-samang DOTA Boys, TekkeNetwork Society at Pokemon Club. Tuwing freetime, ugali nilang humawak at laruin ang gadgets.  Madalas magtilian at makarinig ng kung anu-anong salita mula rito. Iba-iba ang voice. May modulated at matinis.

D jeJemohns – tinagurian ang Pilipinas bilang “Texting Capital of the World”. Sila ang mga may mararaming load at UNLIng nagpapatunay dito. Marami ang sa atin ang gumagamit ng cellphone kung emergency, pero sila, hobby ang pagte-text. 


                 ThMa pow Bah?.... 

The Nerds – academically excellent. Pero kadalasang loner at mabibilang sa daliri ang kaibigan. Pero aminin natin, friends natin sila tuwing malapit ang exams at may tests. Marami kasi ang hirap makisabay sa trip nila. Kung hindi mga bookworm, pastime nila ang magreview at mag-aral. Sila ang mga pinakatahimik sa  klase. Minsanang magsalita. Madalas mabully at kawawain. Pero bumibilib tayo sa dedikasyon at sipag nila sa pag-aaral.

The OP’s – undefined ang trip. May mga tahimik, meron ding mga pasaway. Hindi naman nerd, techy, jejemon, pero solb na sila sa pagsilip sa bintana at gawing pahingahan ang mga upuan. Pero yung iba dito, baka may mga makaaway o nakapikunan. Ang alam ko din, special sila. Basta, out of place sila!!! Yun na yun.

The NPA’s – yes. Tama po ang dinig ninyo. NPA, as in, No Permanent Address. Hindi sila OP. Hindi rin tulad ng mga unang nabanggit. May mga kasama naman sila. Pero kadalasan, hindi sila nakakatagal sa mga trip ng iba. Minsan, yung iba dyan, parang may mga ADHD.

        Mga senyales na NPA ka:


             ·   Maligalig

             ·   Makulit

             ·   Hindi mapakali sa upuan

             ·   May bulate sa  pwet

             ·   Kinakain ang bulate sa  pwet

Last but not the least, mga pinakamalalapit sa puso ko, ang mga Alagad ni Pablo. Mga kasama kong nagbe-brainstorm para sa Ang Nagtataeng Ballpen. Mababait na makukulit. Mga masunurin pero hindi marunong sumunod. Mapagkakatiwalaan pero hindi matino kausap.  Ayos kasama. Power tripper. Kahit magulo, maayos pa rin.

Mga lima lang naman sila. Pero IMBA ang mga utak nyan. Kung anu-ano. Pero kung anong maisip nila, gagawin nila. Basta hindi naman labag sa batas at mga patakaran. 



Yan ang klase namin. Nagre-reflect sa kaniya-kaniyang ugali. Pero saan ka man kabilang, ang importante nag-eenjoy ka at alam mong gusto mo ang ginagawa mo sa mga oras na wala ang mga bantay.
 
Sabi nila, wala daw problema ang mga bata. Well, SABI LANG NILA YUN.

Almost 15 years na rin akong nag-aaral. Umiikot lang ang buhay ko (namin) sa dalawang daigdig. Home and school.  Pero yung iba, apat. Bahay, silid-aralan, sinehan at --- computer  shop.


Ngayon, focus muna tayo sa ating pangalawang tahanan – ang paaralan.
Sa loob ng labinglimang taon, ito ang pinakapinoproblema daw ng mga estudyante, ayon sa SWS survey na gawa-gawa ko.

Top 10: Panglakwatsa. Habang sinasakal mo daw ang isang ibon, ay mas pinipilit nitong makawala.  Hindi maiiwasang ang isang student ay maghanap ng kaligayahan sa labas ng tahanan at paaralan kasama ang mga kaibigan at kabarkada. Hindi masama ang paminsan-minsang panonood ng sine at pagtambay sa bookstores, masabi lang na tumambay sa mall. Pero ang problema dito, kung papayagan ka ba ng parents mo. Cover nito ang permission ng magulang, pera at time.

Rating: GG ko! = Gustong-gusto ko!

Top 9: Sino ba sa isang high school student ang hindi humanga sa kapwa niya? Importanteng magkaroon ng inspirasyon at/o admiration ang bata upang makatulong sa kanyang motivation. Ang pangsiyam- crush/ lovelife. 

Ayiiiieee!!!

Pero sa totoo lang, isa rin ito sa mga numero-unong distraction sa pag-aaral. Magiging maya't maya na kasi ang pagcheck sa phone, fb account, feel mo laging magpa-impress para mapasin ka, at para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa `pag napahiya ka. To make it short, nakakawala ng focus.  At syempre, dahilan para tubuan ka ng public enemy #1, tigidings.

Rating: R na R! = Relate na Relate!

Top 8: Classmates. Baka talagang mabato na ako ng kamatis nito. Subalit, alam  kong mag-aagree rin naman  kayo dahil sa likas ang magkaroon ng different personalities with different perspectives. Iba-iba. Samu't saring opinyon.
(Dear editors, tama ba ang spelling ko?)
Iba-iba rin ang ugali, di na ako magtataka kung minsan ay magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pero remember, part yan lagi.

Rating: NA = Not Applicable.

Top 7: Magulang. Pinakakumplikado. lalo na yung ibang parents na mahirap paliwanagan. Kailangan lahat i-explain at ipaunawa. Minsan, masyado ring palatanong. Umamin ka, minsan, gusto mo ng sagutin ng, "Kayo ang pumilit sa akin para dito mag-aral, tapos, kayo rin magre-reklamo." 
Pero tandaan natin, ginagawa lang nila yun dahil mahal nila tayo.

Rating: AA! = Agreeng-agree!

Top 6: Stress. Bukod sa crush, factor din ng tigidings. Ganun. Ultimate ang level nito. 

Rating: KK = Kakapuyat

Top 5: Sa isang average na estudyante, paminsan-minsan, aatakihin pa rin tayo ng problemang pangpinansyal. Panglima- pera. Hirap kumuha ng project, lalo na pag nagastos mo talaga sa ibang bagay. Boom! 

Rating: G na G! = Gipit na Gipit!

Top 4: Teachers. Aheeemm... i-eexplain pa ba yan? Mahirap kasi pakisamahan yung iba. May nakakabad-trip, pero oks lang din minsan. Lalo pag absent sila. Iba pa rin yung feeling!

Rating: Umiiyak at napapahiyang estudyante

Top 3: Clue? Mabilis tumakbo! Athlete, eenggg!!! 

Time. Palibhasa, ultimate kalaban kasi ng mga estudyante to the highest level, cramming at time mis-management. Mabagal pag wala kang ginagawa, sobrang bilis pag kinabukasan na ang pasahan ng projects, may quiz bukas, recitation, summative at kung ano-ano pang kadramahan.

Rating: Wala akong maisip.

Top 2: Dibdiban na ito!!! Wala na akong pakialam kung makatapak ako ng iba. Kung mabaliw man ako kakaaral. Kung magka-ulcer man ako. Basta, dapat, mataas ang grades ko! [ Ilag mga natamaan ]
Marami kasi tayong natutunan sa paaralan kasama na ang pagiging grade conscious. Ito raw kasi ang sinasabing sukatan ng katalinuhan. Ito raw ang produkto ng iyong mga pinaghihirapan, pinagsisikapan at pinagpupuyatan. Right? Left? 

Pero sabi pa rin ng teacher ko, numero lang yan. Character pa rin ang sukatan. Pero ewan ko ba kung bakit marami ang _______ para dito. 
[ Ilagay mo na lang sa blank ang anumang naiisip mo ]  

Rating: Pass or fail?

 And first place goes to....    < drumroll > 
Ang ating Top 1: PAPEL. Yung ginagamit kasama yung ballpen, check! Eh pa'no ung "mapapel"? Check na rin. Nagreview ka sa quiz o ano mang test, pero di pa rin tapos ang kalbaryo. May one whole sheet ka, kaso sabi ng teacher, one-fourth daw. Anak ng tipaklong! Effort na naman sa paggupit kung walang mahihingan. Mga estudyante talaga! Kawawa naman yung National Bookstore ng klase niyo oh. 

Rating: Marami pa pala akong entries na gagawin. Pahingi namang papel. 
 
Sinasabi ko sa inyo, hindi ako yung tipo ng taong “nagbabasa” at “palabasa” ng mga libro kung hindi sinasabi ng teacher. 

Sa mundong internet na ang nagpapaikot, bihira ka ng makakita ng batang humahawak ng libro, mga dictionary at encyclopedia to be specific, dahil kadalasan, search na lang sa net. Ultimo mga libro, meron na dito. 

First step. Hanapin mo sa google yung title ng libro, ang piliin mo yung PDF format. Next, hanapin mo na lang yung download. Presto! Meron ka ng E-book.

Bakit ko alam? Na-try ko na!!!

Speaking of libro, meron akong kaklase (halos lahat ng mga kaklase ko) na “addicted” sa librong The Hunger Games. Isinulat iyon ni Suzanne Collins, anak ni Michael Collins, kasama nga pala ni Neil Armstrong sa pagtapak sa moon. [Yes!!! Nai-segway ko na!]

Maswerte ang mga manunulat ng mauunlad na bansa, dahil nirerespeto ang anumang gusto nilang isulat. Suportado rin sila ng kanilang pamahalaan sa pag-eexport ng mga libro. At maraming bumibili ng kanilang mga libro sa loob at labas ng kanilang bansa. 

Pero sa bansa natin, iilan lang ba ang kilala mong Pilipinong manunulat ng milenyong ito, bukod kay Bob Ong?

Hindi ko masasabi ang pakiramdam ng pagbabasa ng mga “fictional stories” tulad ng Hunger Games, dahil hindi ko pa naman ito nababasa nang buong-buo at simulang-simula. 

Nakakalungkot. Subalit ito ang katotohanan sa mga istante ng mga bookstores sa Pilipinas nationwide. Malaki ang espasyo ng mga imported books kung ikukumpara sa mga local. Kung tutuusin, malaki ang difference sa kanilang mga presyo. Di hamak na mas maliit ang presyo ng aklat na gawa sa Pilipinas. Ngunit naitanong mo ba sa iyong sarili kung bakit mas pipilahan at mas babasahin mo ang gawa ng taga-ibang bansa?

Sa entry na ito, maaaring mabato ako ng kamatis at pulutin sa kangkungan. Maaari akong iwan ng gumawa ng blog na ito, maaari akong iwan ng mga nagbe-brainstorm din para sa entries, pwedeng wala ng bumasa at sumuporta sa mga ginagawa ko. Bakit? Dahil lahat sila, die-hard fans ng Hunger Games.   

Hindi ako tutol sa pagbabasa natin ng mga librong foreigner ang authors. Pero tingnan niyo, ang librong sariling atin, nilalangaw. Isa pa, naiisip ko rin kungn bakit mas patok ang "fictional stories" kaysa sa mga librong humaharap sa masakit at mapagdalamhating aklat na tumatalakay sa buhay-Pilipino. Dahil ba sa ayaw na ng kabataan ngayon na makisalo sa sakit sa ulong suliranin ng kanilang sariling bansa? Kasalanan na ba talaga ang pagharap sa realidad?

Dahil ba sa mas enjoyable basahin ang adventure nila Katniss at Peeta matapos ang Hunger Games sa Catching Fire kaysa sa impeachment ni Corona at ang highblood na si Santiago?

Hindi ako tutol. Sasabihin ko ulit. Maaaring habag lang ako sa libro natin dahil sa mas gusto ko ang reality  kaysa sa abstract at maimahinasyong mga kwento.

Pero sa pagkakataong ito, hinihiling ko kapatid, ikaw naman ang magnilay-nilay. Pag-isipan mong mabuti.

Picture
Ang mga Pilipino ay mas tumatangkilik ng imported goods. Mas prefer mo ang gawang ibang bansa. Sa halos lahat ng bagay at aspeto, mas gugustuhin nating iyon ang bilhin.

Ang lagi kasing sinasabi ng mga dayuhan noon, mas maganda ang puti. Mas ayos tignan kapag matangos ang ilong. Mas mayaman tingnan. Mas matalino. Kayo, nababagay lang sa putikan! Bobo! Indio! Walang alam! Low quality lang kayo, kahit anong gawin niyo! Di niyo matutumbasan ang kakayahan namin! 

Tignan niyo! Pati pangulo niyo, panot! Kalbo! Walang ginagawa!

[At diyan na nagtatapos ang walang kwentang kwento] 


 
Ano ang gagawin mo sa huling isang buwan ng buhay mo?

Let's pretend na 35 pa lang ako.

Kung meron kang brain tumor – stage 3, lung cancer – stage 2, tuberculosis – stage 1, at meron kang……. AIDS (!!!) ng sabay-sabay, at itinaning na lang ng doctor na isang buwan na lang ang itatagal mo, kumusta ka naman? Ano ang gagawin mo?

Kung ako, okay lang! Ayokong pang maki-iyak sa mga wala kong kwentang kamag-anak, na kaya lang nandun ay para sa “huling habilin” at kumabig ng mga manang maiiwan ko.

Narito ang ginawa kong  Last thirty things I wanna do before I die :

Day 1: Kumuha ng passport sa DFA at i-proseso lahat ng kakailanganin sa pagkuha ng passport.

Day 2: Habang hinihintay ang passport (na ipinagawa sa isang fixer para mas mabilis), magpapakain ng mga batang kapus-palad.

[Nagtataeng ballpen: Wow! Ang bait naman ni Pablo ngayon]

[Pablo: Ganyan talaga, friend, lalo na `pag nag-iipon ka na ng nagawa mong kabutihan]

Day 3: Makukuha ko na yung passport, aasikasuhin ko naman yung mga bansang pupuntahan ko.

Day 4: Magtatanim ako ng 35 puno para mai-replace ko naman ung 30 halamang sinira ko nung bata pa ako.

Day 5: Gagawa ako ng libro ng pasasalamat sa mga mahal ko sa buhay, mga taong  tumulong sa akin upang marating ko ang kinalalagyan ko ngayon, (kahit yung mga taong mahal ko na hindi ako pinapansin), at maging ang mga taong nagagalit sa akin ng hindi ko alam ang dahilan.

[Nagtataeng ballpen: Kasama pa rin ba ako sa paggawa mo diyan?]  

[Pablo: Oo naman! Basta kailangan, nagtatae ka pa rin!]

Day 6-12 => Ang pag-accomplish sa mga bansang gusto kong puntahan habang pini-print ng mga publisher ang huli kong libro. Kahit tig-iisang araw lang sa mga bansang ito. World tour ba?

Day 6: Iran. Gustong-gusto ko talagang puntahan ito. Bata pa lang kasi ako, gusto ko na magsundalo.
Day 7: Iraq. Automatic na kapag binanggit mo kasi ang Iran, mababanggit na rin ang Iraq. Pareho kasing “A,” ryt?
Day 8: Libya. Habang matunog kasi ito sa 24 Patrol News, naiisip kong ako ang makakakuha sa langis nila, na hindi  naman napapansin dahil kay Gaddhafi.
Day 9: North Korea. Mahilig kasi ang mga kakilala ko sa Koreanovela.
Day 10: Abu Dhabi. Bago ako madedok, gusto ko munang makasakay sa camel.
Day 11: Pakistan. Wala lang trip ko lang. Giyera-giyera na to.
Day 12: Spratly Islands. Masaya dito. Ito yung pinag-aawayan ng mga bansa eh.

Day 13: Balik ulit sa Pilipinas.

Day 14: Matapos ang World tour, I think I deserve a rest day. 

Day 15: Undecided. Baka balik charity works na lang ulit.

Day 16: Mag-aral ng Math for one day.

Day 16: Magho-horse back riding sa Baguio.

Day 17: Magpa-planking sa Mendiola.

Day 18: Pumunta sa zoo.

Day 19: Iligpit ang mga gamit.

Day 20: Alamin kung sino si “Manny Pacquiao” na nagcomment blog ko.

Day 21: Magpa-picture para sa libing. Dapat nakangiti ako sa last picture na ito.

Day 22: Magpa-reserve na ng kabaong at basahin ng buo ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong.

Day 23: Magsorry sa mga kaibigan.  

Day 24: Tapusin ang 30 things na ito.

Day 25: Magku-kumpisal.

Day 26: Ituturing ko ng last day. Para may allowance na 4 days bago ang ika-30 araw. Ipapatawag ko na ang lahat ng mga kapamilya, kapatid, kapuso at kaibigan para sa huling pamamaalam at huling habilin na dapat walang iiyak. Basta maglalagay lang sila ng manok panabong sa ibabaw ng kabaong ko.

Day 27: Ipapatawag ko na ang taong higit na nagpakita sa akin ng tunay na kahulugan ng “pagmamahal” at ang nagpaalalang, habang may buhay, may pag-asa.

Day 28: Magpatawag na ng pari. Ngunit siguruhing nandun ang taong tinutukoy ko.

Day 29: Sumulat ng “Ang Huling Paalam” para sa mga readers ko sa nagtataengballpen.weebly.com.  

Day 30: Humiga sa kama at siguruhing nasa kamay ko ang nagtataeng ballpen.    




..........................................................................................................................
Kung nalagpasan ko ang taning na ito, ang bobo nung doctor. Nag-effort ako no?

Pero salamat sa pagkakataong mas naappreciate ko ang buhay...

"I did it, MY WAY." 
 
Dahil nga sa mga walang magawa sa klase sa tuwing wala ang mga minamahal at iniirog na guro, 
(ang dami kong kadramahan), napag-usapan naming ang kwentong Alladin yata ang pamagat, kung ano ang gagawin mo kung may tatlo kang kahilingan. Natural mente, ayon pa sa statistics na ginawa, sampu sa bawat sampung sinurvey ang nagsabing hihingin nila ang pera kung totoo man ang “The Three Wishes” na ito. 

Kilala mo ba si Bill Gates? Yung founder ng Microsoft at itinuturing pinakamayamang tao sa mundo. Kasunod nito ang impluwensiya niya sa larangan ng teknolohiya.

Pero papaano kung magkasing-yaman kami? Ano naman ang gagawin ko kung ang kasalukuyan kong pera ay

$ 61.3 billion o tinatayang katumbas ng P 2, 574, 600, 000, 000 o kung ayaw mong magbilang ng zero, higit sa 2.5 trillion pesos, samantalang ang kabuuang badyet nga ng Pilipinas, as of 2012, ay P1.816 trillion? Think and see the difference!

Narito ang ginawa kong to-do list:

> Papapalitan ko ang pangalan ko sa  birth certificate. Law Door. Kung siya “Bill” at isang panukalang batas, ako, “Law”. Ayoko rin ng “Gates”, tunog kalye. Gusto ko ng “Door” para tunog bahay; 
> Magpapatayo ng school sa mga liblib na lugar at pag-aaralin ang mga out of school na walang kakayahang makapag-aral, gagawin kong wi-fi lahat ng paaralan, may sariling subject na ang mga social networking sites at lahat yon tig-1 hour, magpapatayo ng mga classrooms na may aircon, washing machine, ref., turbo broiler, microwave oven, (hhhmmmppp..bakit puro pagkain?)  at (….ayoko ng ituloy, baka hindi na ako payagang makasok sa paaralan ni Bro. Armin Luistro!);
>
 Mag-aadopt ng 44 na bata upang pag-aralin, kasama ang 90 sako ng aso upang bigyan ng dogfood, 99 ng pusa upang alaagaan at pakainin ng tinik galing sa salmon, 100 baka, 101 kabayo na gagamitin sa karera, 102 pares ng lovebirds at 214 na manok panabong;
> Magpapatayo ng sariling Eiffel Tower at itatabi sa Luneta;
> Magpapatayo ng Statue of Liberty sa Mt. Apo;
> Magkaroon ng sariling Sydney Opera House sa bahay kung saan o-operahan lahat ng batang may sakit sa puso at utak (Mapagamot ko kaya ang sarili ko?) ;
> Ipapalipat ang Great Barrier Reef sa Ilog Pasig;
> Magpapatayo ng Empire State Building sa Makati;
> Magpapatayo ng Library of Senate na mas marami ang libro sa Library of Congress ng America;
> Susuhulan ang China upang ipagkaloob na ang Spratlys ng wala ng giyera-giyera pa;
> Ipapapatay ang lahat ng kurap na pulitiko sa Pilipinas, (wala na atang matitira sa mga sessions);

> Bibilhin ang Hacienda Luisita sa mga Cojuangco at ipapamahagi sa mga magsasaka;
> Magkaroon ng mga kumpanya na ang 30 porsiyento ng kikitain ay mapupunta sa pambayad utang ng Pilipinas;

 Narito nga pala ang ilan sa kanila:
       o    Macrosoft
       o    Macrobiology
       o    Macrology
       o    MicroHard
       o    Gigabite
       o    Gigacrunch (Galing sa Pokemon Club `yon)
       o    CS (indi ko na sasabihin ang kahulugan ng “C”, pero Services ang “S”)
       o    Pablo Sio Bus Liner
       o    Ay Liner 
       o    Nagtataeng Ballpen Bookstore
       o    Mars Drugstore
       o    Cocaine Company (CC for short)
       o    Mall of Europe (MOE) na kakalaban sa Mall of Asia
       o    ...at ang GigaHard na kabaliktaran ng Microsoft

> Last but absolutely not the least, bibili ako ng purong gintong “CORONA” at ipapadala sa kasalukuyang pangulo ng bansa!!!


Marahil, simpleng tao ako na naghahangad lang talaga ng payapa at masayang pamumuhay na nakakakain naman ng tatlong beses sa isang araw, kaya puro para sa bansa ang gusto kong mangyari. 

Well, wala naman talagang masama sa mangarap. Pero isipin mo no, ipagmalaki bang mas mayaman pa ang isang tulad ko kay Bill Gates. Lintik na pangarap yan oh! 

Moral Lesson: Hindi pa rin advised na iwan ang mga estudyante nang walang ginagawa!!!

 
Sa isang mock test namin, tumimo sa akin ang katanungang muntik nagpa-people power sa mga "special". 
Narito ang tanong:

"Saan napupunta ang pinakamalaking porsyento ng kabuuang badyet ng pamahalaan?"

Choices? :

A. Katatagang Panlipunan
B. Kaunlarang Pangkabuhayan
C. Tanggulang Pambansa
D. Bayad sa mga Utang

Habang nagte-test, ganito ang naging tugon ko:
...hmmppp... Tanggulang Pambansa?!?! Niloloko ba ako nito? Eh kumusta naman yung mga sundalong kahabag-habag ang abang kalagayan?
C, hindi pwede...

Tatlo na lang  ang natitira. Sa last five minutes pa eh,  last question na lang pala. Sinubukan kong maghanap ng ibang question na may skip, pero wala na talaga. No choice. Kailangang sagutan.

A, B o D. Anak ng Tipaklong naman oh! 

`Pag sinabing panlipunan, sure akong kasama na diyan ung mga pasweldo sa mga manggagawa. Pwede to. Tingin ulit sa  dalawang natira pa. Pangkabuhayan at bayad sa utang. Saka ko lang napansin...

BAYAD SA UTANG? Teka, seryoso ba gumawa ng test na ito? Kung bakit medyo nakagugulat, high school students ang magte-take ng test. Well, hindi ko na dapat pang kwestyonin ang gumawa. Sasagutan ko na lang. Pili ulit, pangkabuhayan, panlipunan, o bayad sa utang. Ano ba? Sayang ang one point noh? 

Wala pa akong natatandaang programa ng pamahalaan para sa pag-angat ng kabuhayan. Titik B? Eeenggg!

Dalawa na lang. Nagbabato-bato picks na utak ko. Ang mukhang disenteng  sagot, o ang mukhang hindi seryoso na pinagtatakhan ko kung bakit inilagay. Talo-talo na isip ko. Ayokong gamitan  ng mini-mini mie ni mo. Tinatamad ako.

 Pumikit ako. Pagkadilat ko "A" agad nakita ko. Final answer? A na lang!
----------------------------------------------------------------------------------------------
Buwis. Pinagkakakitaan yan ng pamahalaan. Lifeblood ng government. Hindi maisasakatuparan ang mga plano kung walang  pondong magpapakilos rito. 

Sa pagkakataong ito, dito na nasapul ni ma'am ang sagot. Balik ulit tayo sa kwento. Medyo nagdalawang isip pa si ma'am sa sagot. Ingat na ingat sa next move.

 Sa awa ng langit, tama ang sagot ko. Panlipunan. Oks na oks! Tyamba ko yata yon! Dito raw kasi nanggagaling ang pang-ospital. 

(Saka ko na-recall yung sinabi rin niya noon na wala raw matinong ospital sa bansa. Kakaunti. Samantalang SM, napakarami! Gusto ko pa  sanang tumutol, pero parang minali ko na rin yung sagot  ko.)
  
 Pero may pahabol si ma'am. Sa totoo daw, sa bayad-utang daw talaga yun. Pero sabi niya, letter A daw iko-consider. `Yon daw ang io-honor ng Division Office. Kdot.

Ayoko na uling maglecture pa ng history at ungkatin ang mga kabulukan ng administrasyon noon na nagpalaki sa utang ng Pilipinas. Domino Effect kung baga. Mababaon sa foreign debts ang bansa. Kung tutuusin, hindi naman ramdam ng nakararami ang pinatutunguhan nito.


Bayad-utang. Alam naman nating pag may utang, malamang may interes! Mas matagal, mas malaki ang interes. Magpapautang ba ng limang libo ang bumbay ung hindi niya pababayaran ng anim ng libo after a week, or a month?

Resulta? Hindi pa ipinapanganak ang anak mo, may utang na siya!!!Pero ang utang ng Pilipinas ay di parang utang sa bumbay na pwedeng takbuhan. Hahabulin at hahabulin ka. Pwedeng kunin ang TV niyo, sala set, radio, pwedeng cellphone, pati mga twalya at sipit ng sinampay kukunin!At....hindi ka pwedeng tumanggi! Apektado ang ekonomiya niyan...

Anyways, highways, buo pa rin ang pananalig kong dapat tayo magbayad ng buwis, hindi man siguradong siguradong masagot ni ma'am kung saan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang simpleng tanong man sa test na hindi recorded ay naging interesanteng paksa sa akin.

And guess what? Nagtatae ang ballpen ko!!!
 

Sa isang lugar na maihahalintulad sa Payatas, wala nga lang ang mga eksenang may mga scavengers na naghahalungkat ng mga itinapong basura at nag-aagawan sa tirang pagkain, naroroon ang apat na sulok na pinamamahayan ng iba't ibang  katauhang may iba't ibang hilig.

Isa-isa natin silang kilalanin.

Rank 1: DOTA Boys. Sa isang corner ng room namin, dito madalas “magreunion” ang DOTA Boys. Sila yung tipong buma-brotherhood sa klase. Sama-sama sa kalokohan at demerits. Sabay-sabay sa maglunch, umuwi, magDOTA at pastime rin nilang gawing basketball court ang classroom namin. Mga matitinik rin sa chicks mga yan. Young generation ba ng "D Gwapings".  Astigin, pero hindi naman yung mga tipong nanakot. Lakas rin silang makaimpluwensiya pagdating sa mga expressions. Sila kasi ang mga solid 9gaggers ng class.  Halimbawa: Yyyyeesss! at Yuck!  Pero oks naman! Ang iba sa kanila, magaling sa Math. Pero hindi ko sinabing lahat.  Yung iba lang. Kalaban nga lang nila yung Pokemon Club. Pokemon Club, it's ok, don't cry... :D

Favorite Subject: Computer Education


Rank 2: The BLUEBLOOD. Sila naman yung may hobbing tumawa ng tumawa sa mga bagay. Ang team na ito ay yung mabibilis mag-isip, palibhasa eh, malisyoso/malisyosa. In other words, green minded. Biglang mapapabunghalit sa kakatawa `pag narinig ang salitang nakahiga, nakatuwad, pasok…. Blah. Blah. Blah. (kadiri no?)

Favorite subject: Science
Favorite Topic: Reproductive System


Rank 3: Sa ikatlong corner naman, yung malapit sa pintuan, nandun at masisilayan mo ang TekkeNetwork. May klase man o wala, vacant man o nakakaiyak man na test sa Social Studies at Math, hawak nila ang bestfriend nilang PSP. Magugulat ka na nga lang rin sa biglaang pagtili with matching pagtapak ng paa.

Favorite Subject: Laser at grab ni Devil Jin

Rank 4: (Haaay..nabuo din ang apat na sulok!)
Annyeonghaseo. (Dugo-dugo pa ilong ko habang sinusulat ko ‘yan), hello lang pala ang ibig sabihin. Ladies and gentlemen, ang Girls Generation, GG for short. Mga solid at die hard fans ng iba’ibang Korean groups. Titili sila kapag nabanggit at napag-uusapan ang mga panglang kadalasan eh, hindi kami maka-relate.

Favorite Subject: Wala. Paos at malat ang mga boses nila `pag may klase.


Ooooopppppssss… may pahabol pa!

Rank 5: Special Children. Ang pinakamalupet sa lahat. Kalat yan sa buong room. Walang suluk-sulok. No exception. Walang pinipiling lugar. May mga nerd, geek, malakas ang trip, hyper, baliw at kung anu-ano pang katangian na minsan e, pwede nang ipasok sa mental. Iba-iba ang hilig niyan. May mga concern sa mga damit ng tributes ng Hunger Games, mga nagre-reklamo sa napipintong pagtaas ng pasahe, logically- minded para sa mga blind items ng artista, kung ano ang bagong diskubreng planeta, nagtatalo kung sino daw ba ang dapat na pambansang bayani ng Pilipinas, anong brand daw deodorant ang magandang gamitin at nanghihiram ng  ballpeng hindi nagtatae. Sari-sariling mundo. Idagdag mo pa yung mga taong ang interes e kilalanin ang bagong GF daw ni Presidente Noynoy.    

Favorite Subject: Answers may vary. Pero kadalasan, break at uwian.   


HANGA NGA AKO SA ADVISER AT MGA TEACHERS NAMIN NA PATULOY NA NAGPAPASENSIYA SA AMIN... MA'AM AT SIR, PAGKAKATAON NA RIN PO NAMING MAGPASALAMAT SA INYONG PAGIGING MAGULANG.

Bilib na bilib po kami sa inyo! Tanggapin po ninyo ang taus-puso naming papuri at pasasalamat!

 
Nabasa mo na ba yung aklat ng Ibong Adarna? Ang ibong pagkatapos umawit at magpalit ng balahibo, eh, nagbabawas at kung hindi ka makakaiwas, tiyak na magiging bato ka.

Hep. Hep. Hep. Hindi tayo magka-klase sa Filipino. Ito nga pala ang "nagtataeng ballpen", este ang naisusulat ng isang ballpen na naiisip ng isang ordinaryong Pilipinong kumain ng pagkarami-raming papaya.. at ayun, nagbawas. Ginawa niyang tulay ang pagsusulat upang magkaroon ng saysay ang mga ideya, konsepto at kalokohan ng isang Juan dela Cruz sa isang moderno't makabagong panahon habang nakaupo sa bowl.
(Pasintabi sa mga kumakain. At sa  mga kabataang edad 2 pababa, patnubay ng magulang ang kinakailangan). 

Seryosong malokong kapupulutan ng aral at ipot ang blog na ito na naglalaman ng mga tsismis galing sa baul ng isip ng mga mag-aaral na walang magawa tuwing lunch time at walang teacher.

Nagtataeng ballpen ang pumasok sa isip ko habang nakaupo sa ibabaw ng ..... (hhmppp... alam niyo na!). Kaya kung ako sa inyo, halina't ating pag-usapan ang .... (teka, ano nga bang pag-uusapan natin?) ang mga bagay-bagay na nagpapaikot, iniikutan at ang mismong pag-ikot ng mundong ating ginagalawan ngayon. 

Nagtataeng ballpen sana ang magsilbing tulay sa mga Pilipinong naghahanap ng nakakatawang bahagi sa mga nakakalungkot na pangyayari sa bayan ngayon.

Ayokong masayang ang tinta ng ballpen ko, kung kaya't ating simulan ang mahabang paglalakbay sa paghahanap ng lunas sa sakit ng ating lipunang nagpapahina sa ating bayan.

Huwag nating hayaang ang mga ipot na ito ay mapanis at mabulok na lamang bago i-flush!